— 121 —
tambís sa kaniya. Samantala namang itó, namumulá dahil
sa kahihiyán, ay tumindíg at bumulóng ng di malinawang
mga dahilan.
Tinaya siyáng sandali ni P. Millón, kagaya ng lumálasap sa tingin ng isang kakanín. Kay inam marahil ng pangayumpapàin at ilagay sa kahihiyán ang binatang iyong magara, kailan ma'y mainam ang bibis, taás ang ulo at aliwalas ang paningin. Isá ring kaawâáng gawa ang gayón; kaya't ipinatuloy ng boong pusò ng nagtuturò ang gawain. na maliwanag na inulit ang katanungan:
—Sinasabi ng aklát na ang mga salamíng metal ay binubuo ng tanso 6 pagkakahalò ng iba't ibang metal totoo ó hindi?
—Sinasabi ng aklát, Padre......
—Liber dixit ergo ita est; hindi mo nasà ang dumunong pá kay sa aklát....At pagkatapos ay idinugtóng, na, ang mğa salamíng bubog ay binubuo ng isáng palás na bubog, na ang dalawa niyang mukha ay kininis at ang isá sa kanilá ay may pahid na ginilong na tinggâng puti,-¡nota bene! isáng ginilong na tinggang puti. ¿Tanay ba itó?
—Kung sinasabi ng aklát, Padre......
—¿Ang tinggång puti ay metal?
—Tila pô, Padre; sinasabi ng aklát....
—Metal ngâ, metal ngâ, at ang ibig sabihin ng salitâng ginilong ay ang pagkakahalò niya sa asoge na isá ding metal. Ergo ang isang salamíng bubog ay isang salamíng metal; ergo ang mga pagkakabahagi ay hindi maliwanag, ergo ang pagiibáibá ay masamâ, ergo.... ¿Papaano ang pagpapaliwa. nag mo, espíritu sastre?
At tinindihan ang mga ergo at ang mga mo ng boong diín at ikinindát ang matá na waring ang ibig sabihin, ay: ¡lutô ka na!
—Itóng.... ang ibig sabihin ay itóng....-ang bulóng ni Plácido.
—Kung gayon ay hindi mo nawatasan ang lisyón, budhing abâ, na walang namumuwangan ay sumusulsól sa kapwà.
Ang boông klase ay hindi nagdamdám sa gayón, inari pang mainam ng marami ang pagkakátulâ, kaya't nangagtawanan. Kinagát ni Plácido ang kaniyáng mga lábi.
—¿Anó ang pangalan mo?-ang tanong ng pari.