— 120 —
-¡ Nego consecuentiam, Padre!-ang sagot na walang kagatolgatól.
-Ahá, kung gayo'y probo consecuentiam! Per te, ang makintab na ibabaw ay siyang tunay na salamín.
-¡ Nego suppositum!-ang putol ni Juanito ng maramdamáng binabatak siyá ni Plácido sa amerikana.
--¿Papaano? Per te......
- Nego!
-Ergo inakalà mo na ang nasa likurán ay nagiging sanhi ng nasa harap?
-Nego! ang sigaw na lalò pang malakás, dahil sa pagkakaramdam ng isá pang batak sa kaniyang amerikana. Si Juanito, ó lalóng tumpák si Plácido, na siyang tumátambís, ay hindi nakahahalatang ang ginagamit niyang kaparaanan ay ang sa insík: huwág tumanggap ng isá mang dayuhan upang huwag siyang masalakay.
-Papaano ba tayo?-ang tanong ng nagtuturo na may kaonting kalituhán at di mápalagáy, na tinitingnan ang ayaw magparaang nag-aaral-inagbibigay sanhi ó hindi sa harapán ang bagay na nasa likurán?
Sa tiyak na katanungang itó, na maliwanag, na wari'y ultimatum, ay hindi maalaman ni Juanito ang isagót at wala namang iudyók sa kaniya ang kaniyang amerikana. Walang mapala sa káhuhudyát kay Plácido; si Plácido ay alinlangan. Sinamantalá ni Juanito ang sandaling pagkakátingin ng katedrátiko sa isang nag-aaral, na palihim na inalís sa paa ang mahigpit na saping suot, at niyapakang malakás si Plácido na sabay ang sabing:
-¡Tambisán mo akó, sulong, tambisán mo ako!
-Distingo.... ¡Aray! ¡nápakahayop ka!-ang sigaw na hindi kinukusà ni Plácido na tinitingnang pagalit si Juanito, samantalang hinihipò ang kaniyang sapatos na tsarol.
Nádingíg ng pari ang sigaw, nakita silá't nahulaan ang nangyayari.
-¡0y, ikaw, espíritu sastre ang sabi-hindi ikaw ang tínátanóng ko, nguni't yayamang ginawa mo ang magligtás sa ibá, ay tingnan natin, iligtás mo ang katawán mo, salva te ipsum, at paliwanagan mo sa akin ang likwád.
Magalák na umupo si Juanito at katunayan ng kaniyang utang na loob ay pinanglawitán ng dilà ang tuma-