— 119 —
luwa at katigasan ng kaniyang buhok ang ano máng bagay,
at handâ nang bumitiw ng isang matinding inego!, sa dahiláng ang hindi umaamin ng anoman ay walâng tinatanggap,
ang sabi sa kaniyá ng isang kawaní sa hukuman; datap.
wâ'y ang masamang ugaling hindi nakikingíg sa udyók ng
sariling budhi, ang di pananalig sa mga taong nakaáalám
ng kautusan at ang paghanap ng abuloy sa ibá, gayóng sukat na ang kaniyang sarili, ay siyang sa kaniya'y sumirà.
Hinuhudyatán siyáng umayon ng mga kasama, lalò na si
Juanito Pelaez, at sa pagpapadalá sa masama niyang kapalaran, ay bumitiw ng isang umaayon po akó, Padre na ang
boses ay malamlám na waring ang tinuran ay Inmanus tuas
commendo spiritum meum.
-Concedo antecedentum-ang ulit ng nagtuturo na ngumiti ng may kahulugán-ergo, maaaring kayurin ko ang tinggáng puti ng isang salamíng bubog, palitán ng kaputol na bibingka at mayroon din tayong salamín, ha? ¿Anó, magkakaroon tayo?
Ang binatà'y tumingin sa mga nagsusuplóng sa kaniya, nguni't nang makitang sila'y pawàng gulilát din at hindi maalaman ang turan, ay nálarawan sa kaniyang mukha ang mapait na pagsisisi. Deus meus, Deus meus, quare dereliquiste me, ang ipinahahayag ng kaniyang hapis na paningin samantalang ang kaniyang mga labi'y bumibigkás ng Ilinintikán!. Walang nangyari sa kaniyáng káuubó, binatak ang petsera ng kaniyang barò, itatayo ang isang paa, pagkatapos ay ang isá namán, walang matagpong kalinawan.
-Siya, may anó tayo?-ang ulit ng nagtuturo na nagtátalík sa bunga ng kaniyang tinuran.
-¡Ang bibingka!-ang bulong ni Juanito Pelaez-lang bibingka!
-Tumigil ka, hangal ang sigaw na na tuloy ng di magkangtututong binatà na ibig ng maiwasan ang kagipitan sa paraang mang-away.
-Tingnan natin, Juanito, kung mapaliwanagan mo ang bagay na itó!-ang tanong ng katedrátiko kay Pelaez.
Si Pelaez, na isá sa mga kinagigiliwan niya, ay dahandahang tumindig, nguni't sinikó muna si Plácido Penitente na siyang sumúsunod sa lagay sa talàan. Ang ibig sabihin ng pag-sikó ay:
-¡Huwag kang málilicgát at tambisán mo ako!