— 118 —
-¡Ikaw ang mabuting kamagóng!-ang sabi ng katedrátiko na napilitang tumawa Tingnan natin kung alin ang tatawagin nating salamin ang pamukha, per se, in quantum est superficies, ó ang katawáng bumubuo ng ibabaw na itó ó kaya'y ang bagay na kinapapatungan ng pamukhangitó ang pinagbuhatang bagay, na náiba dahil sa pagkakabago sa kaniyá ng tinatawag na pamukha, sapagka't maliwanag na, sa dahiláng ang pamukha ay kabaguhan ng mga katawán, ay hindi mangyayaring mawalan ng kabagayán. Tingnan natin banó ang sabi mo?
¿Akó? iwala ang isásagót sana ng kahabághabág na hindi na maalaman kung ano ang pinagsasalitàan dahil sa karamihan ng mga pamukha at mga pagbabagong bumabayóng masakit sa kaniyáng tainga; nguni't nakapigil sa kaniya ang udyók ng kahihiyán, kaya't balót kahapisan at pinapawisan na, noong inulit ng marahan:
"Tinatawag na salamín ang lahat ng pamukha na binuli...."
-Ergo, per te, ang salamin ay ang ibabaw,-ang dukit ng katedrátiko.-Kung gayon ay linawin mo sa akin ang ganitong bagay. Kung ang pamukha ay siyáng salamín, ay ibá sa kabagayán ng salamin ang ano mang nálalagay sa líkurán, sa dahilang ang nasa likod ay hindi makapagbabago sa nasa sa harapán, id est, ng ibabaw, quæ super faciem est, quia vocatur superficies facies ea quæ supra videtur; pinaayunan mo o hindi?
Lalò pang nanindig ang buhok ng kaawàawàng binatà, na wari pinakilos ng isang malakás na galáw.
-¿Pinaayunan mo ó hindî?
-Kahit na anó, ang ibigin po ninyó, Padre, ang inaakala niyang isagót, nguni't hindi makapangahás na turan ang gayon, dahil sa natatakot siyang mangagtawanan. Yaon ang matatawag na kagipitan at kailan pa man hindi pa siyá nápapasok sa gayong kahigpit. May-roon siyang munting gunita na hindi mapapaayunan ang kahi't nápakaliit na bagay sa mga prayle, na hindi nilá pinalalabasán ng lahát ng pangyayari at kapakinabangáng mahahakà, kundf'y magsabi na ang kanilang mga lupaing ari at mga kurato. Kaya't ang iniuudyók ng kaniyang anghel na taga pag-adyá ay ipagkait ng boong tibay ng kalu-