— 117 —
waring makina ng bapor ang nagpagalaw sa ponógrapo at
sinimulan ang pagsasabi ng:
-"Tinatawag na salamin ang lahát ng pamukhâng binuli at nálalaan upang malarawan sa kaniyá, dahil sa tamà ng liwanag, ang mga larawan ng bagay na ilapit sa tinurang pamukhâ; dahil sa mga bagay bagay na bumubuo ng mga pamukhang ito ay binabahagi sa salaming metal at salamíng bubog......"
¡Hintáy, hintáy, hintay!-ang biglang pigil ng katedrátiko-Jesús para kang pagupak! Tayo'y nasa salitaang ang mga salamin ay binabahagi sa mga salamíng metal at salaming bubog ¿ha? At kung bigyán kitá ng isang kahoy, ang kamagóng sa halimbawà, na lininis na mabuti at hinibuan, ó kaputol na marmol na maitím na pinakabuli, isáng balok na asabatse na másisinagán ng larawan ng mga bagay na ilagay sa haráp ¿saang bahagi mo ilálahók ang mga salamíng iyán?
Ang tinanóng, sa dahiláng hindi maalaman ang isasagot o kaya'y sa dahiláng hindi nalinawan ang katanungan, ay tumangkang makalusót sa pagpapakilalang alam niyá ang lisyón, kaya't nagpatuloy na wari'y bahâ:
"Ang mga una ay binubuo ng tanso ó pagkakahalòhalò ng iba't ibang metal at ang pangalawá ay binubuô ng isáng lapad na bubog na ang dalawang mukha'y kapwâ kininis at ang isá rito'y may pahid na tinggang puti."
-¡Tum, tum, tum! hindi iyán; dóminus vobiscum ang sinasabi ko sa iyó at ang isinásagót mo sa akin ay requies. cat in pace!
At inulit sa wikàng tindâ, ng mabait na katedrátiko, ang katanungan na linahukán sa bawa't sandali ng mga cosa at abá.
Hindi makaiwas sa kagipitan ang kaawàawàng binatà: nag-aalinlangan sa kung nararapat niyáng ihalò ang kamagóng sa mga metal, ang marmol sa mga bubog at ang asabatse ay iwan sa alanganin, hanggang sa ang kalapít niyang si Juanito Pelaez ay bumulong sa kaniyá ng lihim na:
-Ang salamíng kamagóng ay kasama ng mga salamíng kahoy!
Inulit ng litó nating binatà ang kaniyáng nádingíg, kaya't nag-ihit sa kátatawa ang kalahati ng klase.