Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/122

From Wikisource
This page has been proofread.

— 116 —


misa marami ang nakápuna sa kaniyá ng tila pagkamuhî sa bagay na itinuturò; nguni't ang mga kapintasang ito'y mabagay, nga himaling sa paraán ng pag-aaral at pananampalataya, at madaling malilinawan, hindi lamang sa dahilang ang karunungan sa písika ay lubós na galing sa kasanayán, sa kábabatyág at panghihinuha, samantalang siya'y malakás sa pilosopía, lubós na ukol sa paghuhulòhulò, sa palagay at kurò, hindi, sa dahilang siya'y mabuting dominiko, na magiliw sa karangalan ng kaniyang kapisanan, ay hindi mangyayaring malugód sa isáng katarungang hindi ikinábantog ng isá man sa kaniyáng mga kapatid siyá na ang unang hindi naniniwalà sa kímika ni Sto. Tomás — nguni't ikinadadakilà ng ibang Samaháng kalaban, sabihin na nating katunggali nilá.

Itó ang propesor ng umagang iyon, na matapos mabasa ang talaan, ay ipinauulit sa mga tinuturuan ang mga isinaulong lisyón na walang labis walâng kulang. Ang mga ponógrapo ay umalinsunod, ang ilan ay mabuti, ang iba'y masama, ang iba'y pautal-utál, nag-aanasan. Ang makapagturing ng walang mali ay nagtátamó ng isang mabuting guhit at masamang guhit ang magkamali ng higit sa makáitló.

Ang isang batang mataba, na mukhang nag-aantók at ang mga buhok ay nangagtuwid at matitigás na wari'y balahibo ng isang sepilyo, ay naghikáb ng makalinsád-sihang at nag-inát na iniunat ang mga kamay na wari'y nakahiga pá sa banig. Nakita ng katedrátiko at pinag-isipang gulatin.....

-10y! ikaw, matutulugín, abál cosa? Perezoso también, siguro hindi ka marunong ng lisyón, ha?

Hindi lamang hindi pinúpupo ni P. Millón ang lahát ng nag-aaral, gaya ng sino mang mabuting prayle, kundi kinákausap pa silá ng wikàng tindá, bagay na natutuhan sa katedrátiko sa Cánones. Kung sa gayóng pananalita ay ina. kala ng Reberendo ang kutyáin ang mga nag-aaral ó ang mğa banál na takda ng mga concilio, ay bagay na hindi pa napasisiyahan, kahi't pinagtalunan na ng mahabà.

Ang pagkakatukoy ay hindi ikinamuhi ng mga nag-aaral kundi ikinagalák pa at marami ang nangagtawanan; yaón ay nangyayari sa araw araw. Gayón mán ay hindi nátawá ang matabá; biglang tumindig, kinuskós ang mga matá, at