Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/121

From Wikisource
This page has been proofread.

— 111 —


kót ng lubhang mahigpit at mabantóg sa kaniyang pagtuturo sa iláng kátedra sa paaralang San Juan de Letrán. Bantóg siya sa pagkamabuting manalita't mabuting pilosopo at isá sa mga may mainam na maaasahan sa loob ng kaniyang pangkátin. Ang mga matatanda'y may pagtingin sa kaniyá at kinaiinggitán siya ng mga bata, sapagka't silá man ay mayroon ding pangkátpangkát. Yaón ang pangatlong taon na ng kaniyang pagtuturò at kahit ng taong iyón lamang siyá magtuturò ng Písika at Kimika, ay kinikilala na siyáng marunong, hindi lamang ng mga nag-aaral, kundi sampù ng mga kagaya niyang palipatlipat na mga propesor. Si P. Millon ay hindi kabilang ng karamihang sa taóntaón ay palipatlipat ng kátedra upang magkaroon ng kaunting pagkabatid sa karununğan, nag-aaral sa gitna ng ibang nag-aaral, na walang pagkakaiba kundi ang pangyayaring iisang bagay lamang ang pinag-aaralan, tumátanong at hindi tinatanong, may mahigit na pagkabatid ng wikang kastilà at hindi nililitis pagkatapos ng taón. Hinahalungkát ni P. Millon ang karunungan, kilala niyá ang Písika ni Aristóteles at ang kay P. Amat; maingat niyang binabasa ang Ramos at maminsan minsan ay tumutungháy sa Ganot. Gayón man ay iginagalaw kung minsan ang ulo na wari'y nag-aalinlangan, mánğinġitî at búbulong ng: transeat. Tungkol sa Kimika, ay inaakalang mayroon siyang di karaniwang kabatirán sapol noong, sa pag-alinsunod sa isang banggit ni Sto. Tomás, na ang tubig ay isang halò, ay maliwanag niyang pinatunayan na ang taga langit na doctor ay nagpauna ng malaki sa mga Berzelius, Gay Lussac, Bunsen at iba pang materialista, na pawang may munti ó malaking kahambugán. Datapwa't kahit na naging propesor sa Geografia ay mayroon siyáng mğa ilang pag-aalinlangan tungkol sa kabilugan ng mundó at gumagamit ng may makakahulugáng ngiti pagsasalita ng pag-ikit at pagligid sa araw, at binábanggit yaóng:

Ang sa bitûing pagbubulaa'y
Isáng pagbubulaang mainam......

Ngumingiting may pakahulugán sa haráp ng ilang paghahakà tungkol sa pisika at inaakalang hibáng, kundi mán bangáw, ang hesuitang si Secchi, na umano'y ang pagputol nitó ng pariparisukát ea ostia ay anak ng pagkaguló sa astronomía, at dahil doón, ang sabi'y pinagbawalang mag-