— 114 —
nilá ¡hindi hangál ang mga prayle! Ang Gabineteng iyon ay
ginawa upang ipakita sa mga taga ibáng lupà at sa mga
matataas na kawaning nanggagaling sa España, upang sa
pagkakita noon ay igaláw ang ulo na may kasiyahang loob,
samantalang ang umaabay sa kanila'y ngumingiting ang ibig
sabihin wari'y:
-¡Eh! Inakalà ninyong ang matatagpuan ay mga paring huli sa kapanahunan? Kami ay kapantay ng mga kasalukuyan mayroon kaming isáng Gabinete!
At isusulat pagkatapos ng mga dayuhan at mga matataás na kawaní, na pinasalubungan ng malugód na pagtanggáp, sa kanilang mga paglalakbáy ó mĝa tala, na: Ang Real y Pontificia Universidad ng Sto. Tomás sa Maynila, na pinamamahalaan ng bihasang orden dominikana, ay may isang mainam na Gabinete ng Pisika na ukol sa ikatututo ng kabataan... Sa taóntaón ay may dalawang daa't limang pu ang nag-aaral ng tinurang asignatura, at marahil dalá ng katamaran, ng pagwawalang bahala, sa kauntian ng kaya ng indio ó ibá pang sanhing likás sa kanilá ó bagay na di mawatasan... hanggang sa ngayon ay hindi pa sumisipót ang isang kahi't munti man lamang, na Lavoisier, isang Secchi, ni isáng Tyndall, na lahing malayong pilipino.
Datapwa'y upang mapagkilala ang katotohanan ay sasabihin namin, na sa Gabineteng itó nag-aaral ang tatló ó apat na pûng pumapasok sa ampliación sa ilalim ng pamamahala ng isang nagtuturòng gumaganap namán ng mabuti sa kanyang tungkulin; nguni't sa dahilang ang lalong marami sa mga nag-aaral ay galing sa Ateneo Municipal na ang pagtuturò doon ay sa pagsasanay sa loob ng Gabinete, ay wala ring malaking kabuluhan ang gayong pangyayari na di gaya nang kung ang makasamantala noon ay ang dalawáng daa't limang pang nagbabayad ng kanilang matrícula, bumibili ng aklát, nangag-aaral at gumugugol ng isang taon at walang namumuangan pagkatapos. Ang nangyayari, liban sa isang kapista 6 utusán na naging bantay ng mahabàng panahon sa museo, kailán man ay walâng nábalitàng may nápalâ sa mga isinaulong lisyón na pinagkakahirapan muna bago natutuhan.
Nguni't balikán natin ang klase.
Ang katedrátiko ay isáng dominikong batà na tumung-