Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/119

From Wikisource
This page has been proofread.

— 113 —
XIII
ANG ARALÁN NG PISIKA

Ang klase ay isáng look na higit ang kahabaan sa kaluwangan at may malalaking durungawáng may karali na pinapasukan ng hangin at liwanag. Sa hinabaha bà ng dingdíng na bató ay may tatlóng baitang na bató na may takip na dalíg, na puno ng mga nag-aaral na ang pagkakahanay ay alinsunod sa unang letra ng kanilang pangalan sa ibayo ng pasukán, sa ilalim ng isang larawan ni Santo Tomás de Aquino, ay nálalagay ang luklukan ng propesor, mataas at may dalawang hagdán sa magkabilang panig. Liban sa isáng magandang tablero na may markong narra na hindi halos nagagamit, sapagka't násusulat pa ang viva! na nákita roon sapol sa araw ng pasukán, doon ay walang anománg kasangkapang matinô ó sirâ. Ang mga dingding, na pinintahán ng puti at nátatanggol sa ilang dako ng mga lariong may sarisaring kulay upang maiwasan ang mga pagkakakiskis, ay buhad na buhad; ni isáng guhit, ni isáng inukit, ni bahagyang kasangkapan na ukol sa Písika! Ang mga nag-aaral ay hindi nangangailangan ng higit pá sa roon, walang nagháhanáp ng pagtuturo sa pamamagitan ng pagsasanay sa isang karunungang lubhang ukol sa kasanayán; mahabang panahon nang gayon ang pagtuturò at hindi naguló ang Pilipinas, kundi patuloy pa rin ngâng gaya ng dati. Maminsan min. san ay bumababang buhat sa langit ang isang kasangkapan na ipinakikitang malayo sa nag-aaral, gaya ng pagpapakita ng Santísimo sa mga mapanambang nangakaluhód, tingnan mo ako nguni't huwag salanğín. Panapanahon, pag nagkakaroon ng nagtuturong may magandáng loób, ay nagtatakda ng isang araw sa loob ng taon upang dalawin ang makababalagháng Gabinete at hangaan mula sa labas ang mga kasangkapang di maturan ang kabuluhán, na nangakalagay sa loob ng mga kinalalagyán; walang makadadaíng; ng araw na iyon ay nakakita ng maraming tansô, maraming bubog, maraming tubo, bilog, gulóng, kampanà, at ibp.; at hindi na hihigít pá roón ang pagtatanyág, ni hindi naguguló ang Pilipinas. Sa isáng dako namán ay alám ng mga nag-aaral na ang mga kasangkapang iyon ay hindi binili dahil sa ka-

8