— 112 —
tutol. ¿Alám mo bá? Si Makaraig at ilán pang kasama
ay humihinging magbukás ng isang akademia ng wikang
kastilà, bagay na isang malaking kaululán......
-¡Siyá, siyá! kasama, mamaya na sapagka't nangagsisimula na ang sabi ni Plácido na nagpupumiglás.
--Nguni't, hindi namán bumabasa ng talaan ang inyong propesor!
Oo, kung minsan ay bumabasa. ¡Mamayâ na! mamayâ na! At saka.... ayokong sumalungát kay Makaraig.
Nguni't hindi namán pagsalungát, lamang ay.......
Hindi na siyá nádinğíg ni Plácido, malayò na't nagtutumulin sa pagtungo sa klase. Nakádingíg ng iba't ibang ¡ad sum! ¡ad sum! ¡putris, binabasa ang talàan!.... nagmadali at dumating sa pinto ng nasa letrang Q pa namán.
-Tinamàan ng.... ang bulóng na nápakagat labi.
Nag-alinlangan kung dapat ó hindi dapat pumasok; ang guhit ay nakalagay na at hindi na maaalis. Kaya lamang dumáduló sa klase ay hindi upang mag-aral kundi upang huwag lamang magkaroon ng guhit; walang ginagawa sa klase kundi pagsasabi ng lisyong sinaulo, basahin ang aklát at malaki na ang mangisangisáng tanong na malabò, malalim, nakalilitó, wari'y bugtong; tunay nga na di nawawala ang munting pag aaral ang dati rin-na ukol sa kapakumba bàan, sa pagka-maalinsunod, sa paggalang sa mga parì, at siyá, si Plácido, ay mapakumbabâ, masunurin at magalang. Aalís na sana nguni't naaalaalang nálalapit ang paglilitis at hindi pá siyá nátatanóng ng propesor at waring hindi siyá napupuná; mabuting pagkakataón iyón upang siya'y mápuná at makilala. Ang makilala ay katimbang ng pagkaraán ng isáng taón, sa dahiláng kung walang anomán ang magbigay ng suspenso sa isang hindi kilala, ay kailangang magkaroon ng pusong matigas upang huwag mabaklá sa pagkakita sa isáng binatà na isinisisi sa araw-araw ang pagkaaksayá ng isáng taon niyang buhay.
Pumasok nga si Plácido na hindi patiyád na gaya ng dating ugali kundi pinatunóg pá ang kaniyáng mga takón ng sapatos. At labis na tinamó ang ninanasà! Tiningnán siya ng katedrátiko, ikinunót ang noo at iginaláw ang ulo na waring ang ibig sabihin, ay:
Walang galang, magbabayad ka rin sa akin!