— 111 —
kalalampás si Tadeo sa mga pagsusuri, ginigiliw ng kaniyáng mga propesor at náhaharáp sa isang magandang kinábukasan.
Samantala naman ay nagsisimula ang mga kilusán at gumagalaw ang mga pulúpulutóng; pumanaog na sa klase ang propesor sa Písika at Kimika.
Ang mga nag-aaral, na waring nawalan ng pag-asa, ay ay pumasok sa loob ng páaralán na nangakabitíw ng ilang bulalás sa di kasiyahang loób. Si Plácido Penitente ay nakisunod sa karamihan.
- ¡Penitente, Penitente!-ang tawag sa kaniyang palihim ng isá-lumagda ka rito!
-At canó iyán?
-- Huwag mo nang tanungin, lumagda ka!
Waring náramdaman ni Plácido na may pumipirol sa kaniyang tainga; nasa sa alaala niya ang kabuhayan ng isáng kabisa sa kaniyang bayan, na dahil sa pagkakálagdâ sa isang kasulatang hindi batid ang lamán, ay nábilanggong malaon at kaunti pang nápatapon. Upang huwag niyáng malimot ang pangyayaring iyon ay pinirol siyá ng malakás sa tainga ng isá niyang amaín. At kailán mang nakakadingíg siyá ng salitàang ukol sa paglagdâ ay waring nararamdamán niyá sa kaniyang tainga ang sakit na tinanggap.
-Patawarin mo akó, kasama, nguni't hindi akó lumálagdâ sa anó man, kailan pa ma't hindi ko pa nanunawà.
--¡Napakahangál mo! nakalagda na rito ang dalawang carabineros celestiales canó pa ang ikatatakot mo?
Ang pangalang carabineros celestiales ay nakapagbibigay tiwaià. Yaón ay isang banal na pulutong na itinatag upang tumulong sa Dios sa pakikibaka sa dilàng kasamaan, upang pigilin ang pagpasok ng contrabando herético sa talipapa ng bagong Siyon.
Lalagdâ na sana si Plácido upang matapos na lamang ang usap sapagka't nagmamadali: ang kaniyáng mga kasama ay nagdadasal na ng O Thoma, nguni't náramdaman niyá manding pinipigilan ng kaniyang amaín ang kaniyang tainga, kaya't nagsabing:
-Makatapos na ang klase! ibig ko munang mabasa.
-Napakahabà, ¿alám mo bá? ang bagay ay upang gumawa ng isang kahilingang laban, sa tuwid na sabi, isáng