— 110 —
mapanata; dadalaw sa Birhen del Rosario sa kaniyang pini.
ling araw ang mga matá ng nanonood ay handang lahát
upang tanawin ang anyo at laki ng paa ng mga binibini
sa pag-ibís sa sasakyán minsan ay isang nag-aaral na lumálabás sa pintúan na taglay pá sa mukha ang pagkakapanalangin dumaan sa simbahan. upang idalangin sa Birhen
na mangyaring maliwanagan niya ang lisyón, upang tinguán
kung nároroón ang kaniyang nilalangit, makipagsulyapan at
tumungo sa páaralán na taglay sa alaala ang mga matang
magiliw na iyon.
Nguni't námatyág sa mga pulutong ang galawan, isáng waring pagaantabáy, at si Isagani ay nápatigil at namutlâ. Isáng sasakyan ang huminto sa pintuan: ang magkaparis na kabayong puti ay kilalang-kilalá. Yaon ang sasakyan ni Paulita Gómez na nakalundág na agad sa lupà, na mabilis na wari'y ibon, na hindi binigyáng panahóng mákita ng mga nanónoód ang kaniyang paa. Sa isáng mainam na kilos at isáng haplós ng kamay ay naayos ang mga tupi ng kaniyang saya, at sa isang matuling sulyáp na wari'y hindi kinukusà ay nakita si Isagani, bumati't nğumiti. Bumaba namán si aling Victorina, tumingin ng paimbabaw sa kanyang salamin, nákita si Juanito Pelaez, ngumiti at binatì itó ng magiliw.
Si Isagani ay sumagot ng bating takót, na namumulá dahil sa lugód; si Juanito ay nagpakayukôyuko, nag-alis ng sombrero at ikinilos ang mukha na kagaya ng bantóg na kómiko at karikato Panza kung tumatanggap ng pagak pakan.
- Mecachis! ¡Kay gandáng dalaga!--ang bulalás ng isá, na humanda sa pagyao-sabihin ninyó sa katedrátiko na ako'y malubhâ.
At si Tadeo, itó ang kaniyang pangalan, ay pumasok sa simbahan upang sundán ang dalaga.
Si Tadeo ay pumaparoon araw araw sa Unibersidad upang itanong kung may pasok at tuwi na'y nagtataká kung bakit may pasok: mayroon siyang hinalang may isáng cuacha na panay at walang katapusán at ináantáy niyang dumating sa bawà't sandali. At bawa't umaga, matapos na hindi mangyari ang mungkahi niyang magliwalíw, ay áalís na nagdádahilang may malaking kagipitan, ó gágawin, ó sakít, sa sandali pa namang ang kaniyáng mga kasama ay papasok sa klase. Nguni't sa di mabatid na kaparaanan ay na-