— 109 —
-¡Ah, siyá ngâ palá! nápakahayop akó! ¿alám mong nagiging hayop ako ngayón? Nguni't ibigay mo na rin sa akin upang ipakita ko sa ibá.
Upang huwag pabulaanan ni Plácido ang kura na naglagay sa kaniyá ng pangalan, ay ibinigay ang hinihingi sa kaniya.
Dumating silá sa Universidad.
Sa papasukan at sa hinabàhaba ng banketa na nakalatag sa palibid ng Unibersidad ay nangaghihintuan ang mga nag-aaral na nag-aantay ng pagpanaog ng inga propesor, Ang mga nag-aaral ng taong paghahandâ upang mag-aral ng Derecho, ikalimáng taón ng segunda enseñanza, at ng pag. hahanda upang mag-aral ng Medicina ay nagkakahalobilo: ang mga huling tinuran ay madaling makilala dahil sa kanilang kagayakan at sa kanilang kiyás na hindi nákikita. sa iba ang marami sa kanila ay galing sa Ateneo Municipal at kapiling nila ang makatàng si Isagani na ipinakikilala sa isang kasama ang panganganinag ng liwanag. Sa isáng pulutong ay nagtatalotalo, nagkakatwiranan, bumabanggit ng sinabi ng propesor, ng mga nátatalâ sa aklát, ng mga principios escolásticos; sa ibang pulutong ay nagkukumpayan ng mga aklát, sa pamagitan ng mga tungkód ay iginuguhit sa lupà ang ibig ipakilala; sa dako pa roon ang nangalilibang naman sa panonood sa mga mapanatang tumutungo sa kalapít na simbahan, at kung ano ano ang ibinubuhay dahil sa namamalas.
Isang matandang babai na akay ng isang dalaga ay papiláypiláy na nagdádasal; nakatungóng lumalákad ang binibini, natatakót-takót, nahihiyâng dumaan sa haráp ng gayóng karaming tumitingin; itinátaás ng matanda ang kaniyang saya na kulay kapé ng mga kakapatid ni Sta. Rita, upang ipakita ang matatabang paa at mga medias na puti; kinagagalitan ang kaniyang kasama at tinitingnan ng masamang tingin ang mga nanonood.
--¡Mga saragate!-ang pangitngit na bulóng-ihuwag mo siláng tingnan, itungó mo ang iyong ulo!
Ang lahat ay napupuná, ang lahat ay nagiging sanhi ng biruán at buhay buhay.
Minsan ay isáng mainam na victoria na hihintô sa piling ng pintuan upang iwan doon ang isang mag-aanak na