Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/114

From Wikisource
This page has been proofread.

— 108 —


ang liwasan sa harap ng bahay-aduana-talám mo bang akó ang natungkulang mangilak ng ambagan?

-¿Anóng ambagan?

-Ang sa monumento.

¿Anóng monumento?

-¡Alín pá! ang sa kay P. Baltazar hindi mo ba nálalaman?

-¿At sino ba ang P. Baltazar na iyán?

-Abá! ¡isáng dominiko! Kaya't lumapit ang mga pari sa mga nag-aaral. ¡Sulong na, magbigay ka na ng tatló ó apat na piso upang makitang tayo'y hindi maramot! Upang huwag masabing sa pagtatayo ng isang estátua ay ang alapót nila ang dinukot. ¡Sulong na Placidete! hindi mawawalang kabuluhan ang salapi mo!

At sinabayán ang salitang ito ng isang makahulugáng kindát.

Naalaala ni Plácido iyong isang nag-aaral na nakalalampás sa pagsusuri dahil sa paghahandog ng kanario, kaya't nagbigay ng tatlong piso.

-Tingnan mo, isusulat kong maliwanag ang iyong pangalan upang mabasa ng propesor, ¿nákikita mo bá? Plácido Penitente, tatlong piso. ¡Ah! ¡tingnán mo! Sa loob ng ikalabing limang araw ay pistá ng propesor sa Ilistoria Natural.... Alám mong napakamasayá, na hindi naglalagay ng pagku. kulang at hindi tumátanóng ng lisyón. ¡Kaibigan, dapat tayong gumanti ng ntang na loob!

-¡Siyá ngâ!

-¿Anó, dapat ba nating handugán ng isang pistá? Ang orkesta ay dapat na maging kaparis ng dinalá ninyo sa katedrátiko sa Písika..

-¡Siyá ngâ!

-¿Anó sa akala mo kung gawin nating tigalawang piso ang ambagan? Sulong Placidíng, magpáuna ka sa pagbibigay, sa gayon ay máuuna ka sa talaan.

At sa dahilang ibinigay ng walang gatól ni Plácido ang hinihinging dalawang piso, ay idinagdag ang:

--IIoy, apat na ang ibigáy mo, at saká ko na isasauli sa iyo ang dalawá; upang maging pain lamang.

--Kung isasauli mo rin ¿anó't ibibigay ko pá sa iyo? Sukat nang ilagáy mong apat.