— 107 —
-Siyá ngá palá iuapakahayóp akó! ¿Alám mo Plácido na nagiging hayop akó? At noong Miérkoles?
-¿Noong Miérkoles? Hintáy ka.... niyóng Miérkoles ay umambón.
-¡Mainam! at noong Martés?
Noong Martés ay pistá ng katedrátiko at hinandugán namin siya ng isáng orkesta, kumpól ng mga bulaklak at ilán pang handóg....
-Ah, putris!-ang bulalás ni Juanito-nakalimutan ko nga palá, inapakahayop akó! At ¿itinanóng bá akó?
Kinibít ni Penitente ang kaniyang balikat.
-Ayawán ko, nguni't ibinigay sa kaniya ang tálàan ng mga may gawa ng pista.
-¡Putris!.... at noong Lunes canó ang nangyari?
Sa dahilang siyang unang araw ng pasukán ay binasa. ang talaan ng mga pangalan at itinakda ang lisyon: ang ukol sa mga salamin. Tingnan mo; mulâ rito hanggang doon, isasaulo, walang labis walang kulang.... tátalunán ang kaputol na ìtó at itó ang isúsunód.
At itinuturo ng daliri sa písika ni Ramos ang mga dakong pag-aaralan, ng biglang sumalipadpad sa hangin ang aklát dahil sa isang tampál na papaitaas na ibinigay ni Juanito.
-Siyá bayaan mo nga ang lisyón, mag ipít na araw ua tayo.
Tinatawag na ipit na araw ng mga nag-aaral sa Maynilà, ang araw na napapagitná sa dalawang kapistahan, na inaalís at pinapawi sa kaibigang sarili ng mga nag-aaral.
-¿Alám mo bang napakahayop mo nga?--ang tugóng pagalít ni Plácido samantalang pinupulot ang kaniyang aklát at mga napel
-Halinang mag ipít na araw ang ulit ni Juanito.
Ayaw si Plácido: hindi dahil sa pagkukulang ng dalawa'y hindi itútuloy ang klase ng mahigit sa isang daa't limang pû. Naaalaala ang mga paghihirap at pag-iimpók ng kaniyang iná na siyang nagbibigay ng ginugugol niya sa Maynilà at siyang nagsasalát.
Nang mga sumandaling iyon ay pumapasok silá sa butas ng Sto. Domingo.
-Maalala ko palá-ang bulalás ni Juanito ng makita