— 106 —
at pagkatapos ay magkakanlóng sa likurán ng mga kasama
at may katangitangi siyáng kakubaan na lumálakí kailan ma't
may panunuksóng ginagawa at nagtatawá.
-Nakapag-aliw ka bang mabuti, Penitente?-ang tanong na kasabay ang mga malakás na pagtampál sa balikat.
-Ganoon, ganoon ang sagot na may kamuhîán ni Plácido at ikaw?
-Mabuting mabuti! Sukat ba namang anyayahan akó ng kura sa Tiani, na sa kaniyang bayan akó magpahinga; naparoón akó........ kaibigan! Kilala mo ba si P. Camorra? Siya'y isang kurang mapagpaumanhin, mabuting kaibigan, matapát, lubhang mapagtapát, kagaya ni P. Paco.... sa dahilang maraming dalagang magagandá doón, ay nanapatan kaming dalawa, ang pigil niya'y gitarra at kumakanta ng mga peteneras at akó Damá'y biolin.... Masa. sabi ko sa iyó, kaibigan, na gayón na lamang ang sayá namin; walang bahay na hindi namin inakyát.
Bumulong sa tainga ni Plácido ng ilang salita at pagkatapos ay nagtawá. At sa dahiláng nagpakita ng pagkakamangha si Plácido, ay idinagdag pang:
-¡Maisusumpa ko sa iyó! At walang hindi pangyayari, sapagka't sa pamagitan ng isang utos ng pamahalaan ay maaaring pawiin ang amá, asawa ó kapatid at tapús ang salitàan! Gayón man ay nakatagpo kami ng isang ungás, katipán mandín ni Basilio sa akalà ko. Nápakaulól niyóng si Basilio Magkaroón ba naman ng niligawang hindi marunong ng wikàng kastilà, walang yaman at naging alilà pa! Masungit na masungit nguni't maganda. Isáng gabi'y hinambalos ni P. Camorra ang dalawang nanapatan sa kaniya at salamat na lamang at hindi nangápatáy. Nguni't gayón man ay masungit pá rin ang babai. Datapwa'y susukò rin siya na gaya ng iba.
Si Juanito Pelaez ay malakás na humáhalakhák na wari'y ikinaliligaya niyáng lubós ang gayón. Minasdán siyáng masama ang loob ni Plácido.
Hintay ka palá ¿anó bá ang iniulat kahapon ng katedrátiko?-ang tanong na inibá ang salitaan.
-Kahapon ay walang pasok.
-¡Oho! At kamakalawa?
Tao ka, IIuebes, e!