Jump to content

Talk:Isang Punungkahoy

Add topic
From Wikisource
Latest comment: 3 months ago by 103.183.192.239 in topic filipino

filipino

[edit]

Kung tatanawin mo sa malayong pook, ako’y tila isang nakadipang kurus, sa napakatagal na pagkakaluhod, parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan ay nananalangin sa kapighatian habang ang kandila ng sariling buhay, magdamag na tanod sa aking libingan…

Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo’t magdamag na nagtutumangis; sa mga sanga ko ay nangakasabit ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; at saka ang buwang tila nagdarasal, ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon, nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon, batis sa paa ko’y may luha nang daloy. 103.183.192.239 01:38, 28 August 2024 (UTC)Reply