Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/65

From Wikisource
This page has been validated.


— 66 —


pacay ng Pagbabangon (Revolución); caya't alin mang Tagapagbangon na mag ibá ng lacad at di tumulong sa paglalatag nitó mulang maagao ang tagumpay ay tutucuying mag lililo sa caniyang bayan.

Habang umiiral ang Pagbabangon ay gagamitin ito ng Pamunoang Tagapagbangon na parang pang dagdag na cautusan; caya't ito ang ipupunó sa mga caculangan ng mga umiiral na cautusan at gagauin ang boo niyang macacaya upang maihanda ang bayan, ng pagsapit ng tagumpay ay caracaracang mapairal at maipasunod ang boong maisasalio at papayagan ng di ugaling cabagayan ng digmá.

Capagcatayo ng unang Capisanan ng República ay mumulan ang pagcat-ha ng tunay na cautusan sa pagtatayo iley constitucional, na huag sisinsay sa mga patuntungang matilitic dito sa Panucala at sa mga Pagbabagong ihalol ng caramihan sa bayan, pagca't ang cautusang yao'y siyang bugtong na catibayan sa pagpasoc sa cabilugan ng mga bayang timaua.