Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/64

From Wikisource
This page has been validated.


— 65 —


bahay na itinatalaga sa pagcacaauang gauá sa mĝa duc-ha at may mga saquit.

126. —Ang mga Propesor sa simulang aral ay langang mag taglay ng catibayan ng pagcabatsilier sa mataas na aral, at ang mga Propesor dito sa mataas ay magcacaroon naman ng catibayang hauac ng isang Licenciado ó Doctor sa ano mang sañgá ag carunungan. Ang mga Propesor sa mga carunungan ay cailangang maguing Doctor sa sangang ituturo.

127. —Casapol nitong pangangalaga sa isip nang bayan ang pangangalaga naman sa catauan, at dito'y sasanayin ang lacas ng mga nagsisipagaral ng unti- unti hangang matayang totoo at magamit sa pag aagao buhay (lucha por la existencia).

128. —Ang Tanungan, at sa capaniualaan nito'y ang mga Sanguniang cabayanan, ang cadóroonan ng mataas na pangangasiua sa pagtuturo sa bayan, at dahil dito'y pag-aaralan at ihahamong sa Capisanan ang lalong mabuting pagpapatayó ng mga Aralan at ang paraang lalong mabisa upang macapag aral ang lalong salát, at bucod pa'y pangangalagaan na magcaroon ang mga Propesor nang catamtamang upa sa pagca't ang caalama'y isa sa malalaquing panulong sa icadadaquila ng bayan.

129. —Ang mga Colegiong ibangon ng mga måmamayan ay ibabagay sa mga sinabi dito.

130. —Capag totoong nacalat na sa boong Capuluan ang uicang inglés ay siyang gagauing uicang-bayan.

MANGA CAPUPUNAN.

Cailan ma't aminin ng Capisanang Tagapagbangon ang Panucalang ito ay siyang maguiguing maliuanag na sigao at mistulang anino ng mga hinagap at

5