Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/28

From Wikisource
This page has been proofread.
—29—


laan niġ manĝa mamamayan, at tuloy ipahahayag
ang manga tagubiling quinacailangan ng huag mag-
culang at mamali.

—Sa Talaang ito maquiquita ang dami nang
tauo at ng manga umaambag na may carapatán
at gayon din naman ang bilang ng manga cati-
walang matungod sa baua't bayan at ng mga Taga-
tayó ng baua't cabayanan, ayon sa manĝa susunod.

29. —Ang manga cabayanang bumilang ng da-
lauang pu at nang libong mamamayang may
carapatán ay magcacaroon ng isang Tagalayó.

Cun humiguit sa dalauang pu at limang libo
hangan limangpung libo ay dalaua; paglampas ng
limangou hangan pitongpu at limang libo ay tatlo;
cun lumampas pa dito hangan isang daang libo
ay apat; at fima cun lumabis pa ng paacyat.

Ang calabisan sa manga naturang bilang ay di
macadadagdag ng Tagatayo cundi umabot sa isang
libo man lamang na umaambag na may carapatan.

30. —Ang manga bayang di macaabot sa isang
libong mamamayan na may carapatan ay pipili ng
isang catiuala lamang cun lumabis sa isa hangan
limang libo dalaua; tatlo cun lumampas hangan
sampung libo; apat cun lumampas pa hangan
labinglimang libo; at lima cun lumabis pa nang
paacyal.

Ang calabisan sa manga bilang na ito ay di
macadadagdag pag hindi umabot sa isang libo
man lamang na umaambag na may carapatan.

31. —Bauat nayong bumilang ng limangpung
mamamayang may carapatan ay pipili ng isang ma-
tanda; paglabis sa limampu hangan isang daan.
ay dalaua mabiguit sa isang daan hangan isang
daan at limampu, tatlo; mahiguit na isang daan
at limampu hangan dalauang daan, apat; at lima
pag labis sa dalawang daan na paacyat.