Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/15

From Wikisource
This page has been validated.

— 16 —


sa paghanap nang lahat na quinacailangan sa cabuhayan ng tauo.


Unang tagobilin.—Tayo ay tinuruan at binihasa ng Pamunoang casa at mga Paring religioso sa laguing pagtataas ang ating mga mata at ating pag-iisip sa isang balobalong langit, upang bayaan natin sila sa pagtatamong hinusay ng mga cagalingan dito sa Jupa. Caya't lason sa canila ang macaquita at macabasa tayo ng mga librong macapagtuturo sa atin ng mga catotohanang ito, na cung maganap natin ay ma tatamong ualang sala ang caguinhauahan sa buhay na ito at sa cabila'y ang calualhatian at cabuhayang ualang hangan.

Icalauang tagobilin—Ang inang bayan ay hindi lamang ang bayanan provincial hindi lamang ang bayan ipueblo at lalong hindi ang lugal na pinanganacan sa bauat isa ang lalat na cabayanan, ang lahat na bayan at ang lahat na lugal na tinubuan nino mang taga Pilipinas. cahit ano ang caniyang sinasamba at ano man ang canyang salita. ang siyang tunay na Bayang Pilipinas na ina nating lahat.