Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/14

From Wikisource
This page has been validated.

— 15 —


pública, yaon bagong ang lahat na nagpupuno ay palagay ng manga namamayan, at huag mong payagan cailan man ang Monarquia ang pagcacaroon baga nang hari sa pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan cundi ang isa o ilan lamang na maganac upang maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na siyang pangagalingan nang lahat na maghahari: hindi ganito ang República na nagbibigay camahalan at carapatan sa lahat ayon sa bait ng bawat isa, nang pagcadaquila alangalang sa caluagan at calayaan at ng casaganaan at nadilagang tinataglay ng casipagan.

Icasiam. lbiguin no ang iyong capua tauo paris ng pag ibig mo sa iyong sarili, pagca't biniguian siya ng Dios at gayon din naman icao ng catungculang tulungan ca at huag gauin są iyo ang di niya ibig na gauin mo sa caniya; nguni't cun ang iyong capua ay nagcuculang dito sa camahalmahalang catungculan at nagtatangca ng masama sa iyong buhay at calayaan at pag aari. ay dapat mong ibual at lipulin siya pagca't ang mananaig ngayo'y ang cauna-unahang utos ng Dios na mag ingat ca it ini-inğatan quitá.

Icapú. Laguing natangi mo sa iyong capua ang iyong cababayan al lagui namang aariin ma siyang tunay na caibigan at capatid o cundi ma'y casama, palibhasa'y isa ang inyong capalaran. isa rin naman ang inyong casayahan at cadalamhatian, at gayon ding nagcacaayon ang inyong mga hinahangad at pag-aari.

Caya't habang tumutulay ang mga patuto ng mga bayan na ibinangon at inaalagaan ng pagcacanicaniya ng mga lahi at angcan, ay sa caniya lamang dapat cang macuisama at tunay na maquipagisa sa hinahangad a: pagaari, upang magcalacas ca sa paquiquibaca sa caauay ninyong dalaua at