Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/68

From Wikisource
This page has been proofread.


— 61 —

sa Hari sa Espanya at nangagsiayon naman agad ng
wala nang dilidili ay masasabi natin na nangagkamali,
nguni't tila mandin hindi, sapagka't walang binangit sa
atin si Pigafetta na ganyan: at ito nga'y masasapantaha
na gaya ng mga kilala ngayong mananalaysay na dahil
lamang kina Sula at sa mga taga Sebú, at nábuyo naman
marahil si Magallanes dahil sa siya niyang layon at saka
isang mabuting pagkakataon.
Sa ano pa man ay nakaumang na sila at wala nang
paraan na di ituloy ang pagsalakay; nguni't sapagka't
may kadiliman pa at di nila kilala ang lupang kanilang
sasalakayin ay naghintay sila na umumaga, at yao'y
nakabuti sa kanila, dahil sa kung nagkataong dumalu-
hong sila agad ay di malayong napaglalangan sila sa
mga hukay na inihanda sa kanila.
Dumating nga ang umaga at sina Magallanes ay nag-
silusong na ang bilang nilang mga taga sasakyan ay
apat na pu't siyam, samantalang ang ibang mga kasama
nila, ay hindi nagsilunsad sampu ng Kaháng nagkris-
tiano na kasama nila, dahil sa di pinayagan ni Maga-
llanes
Ito'y ginawa nila na nagsilusong sa tubig, dahil sa
ang kanilang sasakyan ay di mailapit sa kati sa kaba-
bawan ng dakong yaon na ang tubig ay hangang ba
lakang lamang.
Sa pagtawid pa lamang ay nagdanas na sila ng salakay
ng mga taga Maktan hangang sa nangakaahon sa kati.
Ng sila'y mangakaahon naman ay may nasagupa si
lang isang libo at limang daan na napapankat ng tatlo:
Isa sa harap at dalawa sa magkabilang tagiliran nila.
na habang lumalapit ay naghihiyawan.
Sina Magallanes ay hindi sumagupa agad, kungdi may
kalahating oras na kanilang pinailanlangan ng mga bala,