This page has been proofread.
— 57 —
anak ng Rahá ay Catalina at sa mga iba ay iba't iba
naman.
Ang dami nitong mga tagaritong napabinyag sa ka
pellang yaon ni Magallanes ay umaabot ng walong daang
katao na mga lalaki't babae at mga matanda't bata.
Ang asawa ng Rahá anila'y bata pa at maganda, na-
kabalabat ng kumot na ang kulay ay puti't itim, mapula
ang bibig at nakasalakot ng may corona na di umano'y
gaya ng sa Papa.
Matapos na siya'y mabinyagan ay kanyang hiniling
yaong larawang sa kanya'y ipinakita at anya'y ihahalile
niya sa kanyang inga larawang anito. At yao'y malugod
na ipinagkaloob sa kanya nina Pigafetta
Kaya naman naibigan marahil ng asawa ng Rahá ang
larawang yaon ay dahil sa kagandahan ng pagkayari kay
sa mga anito nila, palibhasa't ang mga tagarito noon ay
di pa lubhang bihasa sa mga ganyang gawain na kaiba
kay sa mga taga Europa
Ang nabangit na larawan ay pinakamahal na di kawasa
ng asawa ng Rahá hangang sa inabutan pa uli ng mga
misionerong nagsiparito ang larawan ng Niño Jesus na
siya pang pintakasi sa Sebú hangang ngayon.