— 56 —
mabuting kristiano ay dapat niyang sunngin ang lahat ng larawan sa kanyang lupafn, at ang ihalile sa mga iyo'y isang krus, na sambahing palohod nilang lahat sa arawaraw, saka niya tinuruan ang Rahá ng "ANG TAN DA NG SANTA KRUS.
- Sa pagkalugod kay Magallanes ay sinabi ng Raha at
ng kanyang kampon, na kanilang susundin ang lahat ng iyon at lahat ng kanyang sabihin Pagkatapos ay na- ngapabinyag at ang Rahá ay pinanganlang Don Carlos ayon sa pangalan ng Hari sa Espanya, at ang manu- gang niya ay Don Fernando na dili iba't siyang panga- lan ng kapatid ng Haring Don Carlos at ang iba'y pinagbibigyan ng iba't ibang pangalan. At ng maka. tapos ay may limang pung katao ang nabinyagan.
- At sapagka't hindi lamang ang Rahá at ang mga
lalaki ang nag-ibig magbinyag, kungdi pati ng kani kanyang asawa mula sa asawa ng Rahá. ay muling nagsiahon ang kapellan at ang ilan sa kanila Dito sa muling pagahon ng kapellan ay sinalubong ng asawa ng Rahá at ng apat na pung lingkod nito, sakä sila napatungo uli doon sa dakong pinagbinyagan sa Rahá.
- Pagdating nila doon ay pawang nagsiluklok, na ang
asawa ng Rahá ay sa unan lumuklok at ang mga ling- kod ay sa kanyang palibot, hangat sa ang kapellan ó paré ay nakapagbihis.
- Samantala nama'y pinagpakitaan nina Pigafetta ang
asawa ng Rahá ng isang larawang kahoy ng Mahal na Birhen na may kalong na Niño Jesus at isang kruz. Yao'y lalo pang nakaragdag ng pagkahalina niya sa pagkakristiano at agad namang bininyagan.
- Ang ipinangalan sa asawa ng Rahá ay Juana na gaya
ng pangalan ng ina ng Hari sa Espanya, at Sa