Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/43

From Wikisource
This page has been proofread.


— 36 —

      Pagdalaw ng Rahá
        AT ANG
   Pagdalaw naman ni Pigafetta.

Sina Magallanes ay nasa Limasawa pa at sa kaibigan
nilang huag silang kulangin ng pagkain ay nagpabili ng
mga lamáng-kati: Kaya't ng kinabukasan na Biernes
Santo ay nagsugo si Magallanes ng isang interprete na
pinapagdala ng salapi kay Rahá Kolambu upang pag-
bilhan sila ng kanilang makakain sa sasakyan, na tuloy
ipinasabi na hindi sila dumayo sa kanyang lupain na
parang isang kaaway, kungdi upang makipagkaibigan.
Pagkarinig noon ni Rahá Kolambu ay nagsama ng pito
ó walong katao sa isang bangka at napasá sasakyan.
Pagkakita kay Magallanes ay niyakap, saka niya binig
yan ng tatlong pingang insik na puno ng kaning nata..
takban ng dahon at ng dalawang malaking isdang dorado.
Ang ipinakitang loob na ito nitong Raháng taga Li
masawa (taga Pilipinas) doon sa mga taga ibang lupaing
yaon na di niya kilala ay dapat mátala sa ating kasay..
sayan, sapagka't isang uliráng karapatdapat tanawin.
Pagkahatid niya na ang kanilang nais ay makipagkaibigan
ay agad niyang pinagsadya, niyakap at pinagkalooban