This page has been proofread.
- ―22―
Paanong pagkatuklás.
Kung paanong pagkatuklas nito ay isa sa mga kagila-
gilalas na di dapat lagtawan sa kasaysayan ng mga
Tagarito at siya ngang layon ng aklat na ito.
Hindi kaila na hangang noong siglong ikalabing apat
ó taong ikasanglibo at apat na raan ay di lubhang kilala
ang paglalayag sa malalawak na karagatan: kaya't ang
pangangalakal sa India (1) ng mga Kristianong taga
Europa (2) ay hindi nga sa dagat idinadaan, kungdi sa
lupa nilalakbay na ipinagkakamelyo (3) hangang sa bay.
bayin ng dagat Mediterráneo (4) at doon na lamang
itinatawid Yao'y may kahirapan sa mga taga Europang
_______
(1) Ang India ay isang lupaing nasa dakong timog ng kapatagan ng Asia at
nasa baybayin ng dagat India.. Ang pangalang India ay galing sa salitang Sindhu
na ang ibig sabihin sa wikang sanskrito ay ilog. Ayon sa mga nanulat ng Bu-
lat-lupa ó ng mga kalagayan ng mga lupain ay ang tanang lupaing nasa silaoğanan
ag Burmah, gaya ng Siyam, Anam, Cambodya, Conchinchina, Tonkin at ibp.
Pinagsadya ng mga taga Europa ang lupaing ito dahil sa mga bagay rito
kailangan nila roon.
(2) Isa sa anim na malaking kapatagan at siyang kapatagan ng mapuputi. Ang
pangalan Europa ayon sa mga mapagsaliksik ay galing sa salitang Irib ó Ereb
na ang kahulugan ay kanluran at siyang ipinangalan doon ng mga taga Asiria dahi!
sa ang kapatagang iyon ay nasa dakong kanluran nila saka ng mabigyan nilang
kaibahan sa kapatagang Assu ó Asia na ang kahulugan ay silanganan dahil sa
siyang dakong sinisilangan ng araw.
(3) Itong pangalang kamelyo ay mula sa wikang kastila na camello na sinipi
sa wikang latin na camelus na hiniram naman sa wikang griego na kamelos na
hinango sa wikang hebreo na Gamal. Ito'y isang hayop na malakas at matagal
sa mga lakarin: kaya't siyang pinaka-kalabaw sa mga iláng. Saka may kaibahan
ang hayop na ito sa iba na nakapagbabaon sa buché ng pagkain sa isang buan at
at ang iba'y hnngang sa tatlong buau ó higit pa.
(4) Ang Meditarraneo ay isang dagat na nasa pagitan ng kapatagan ng Europa
(aa lupain ng mapuputing tao) at ng Aprika (na kapatagan ng maiitím na tao).