KASAYSAYAN
NANG
PAGKATUKLAS SA PILIPINAS.
![]() |
![]() |
![]() |
Itong lupaing ngayo'y pinanganganlang Pilipinas ay isang kulumpon ng maraming pulo, at doon sa mga nakabasa ng “DATING PILIPINAS" ay hindi na kaila na noon pang unang dako ay pinamayanan na ng ba yang may sariling kabihasna t pamumuhay; ng bayan ni Bathala ni na mga Anito ó Diwata; at ng bayan ng mga Hari, Rahá Máginoo at Dato, at ng mga Lakán at Gat, palibhasa't noo'y di pa nasasamyo dito ang panganoring kuputian, dahil sa noo'y di pa kilala ng mapuputi ang mga lupaing itó na gaya rin ng mga lupang Amerika. Datapua't wari itinalaga ng May Kapal na ang tao rito sa lupa ay mangagkakilakilala pagkatapos na mangagkatiwatiwalag at noong taong ika isang libo at limang daan at dalawang pu't isa ay natuklasan ito nina Hernando Magallanes (na kampon ng Kahariang Espanya) sa paghanap ng mga kapuluang Molukas.
![]() |