―10―
Bukod dito, ang Istorya ng Sariling Lupain ay siyáng pumapatnubay sa mámamayan sa isang magaling na pag-iingat at katalinuan sa kasalukuya't hinaharap ni- yang kalagayan. Isang halimbawang aking mababangit ay ang karáraan pa lamang himagsikan, na palibhasa'y minana natin sa ating mga kanunuan ang asal na ma- pagtiwala dalá ng pagtataglay ng wagás at dalisay na kalooban, ay inugali pa ng ating mga tagapatnugot sa panahong karáraan, na nakipagkayari sa mga amerikano ng walang ano mang katibayan, na hindi náalaala na ibang lahi tayo at ibang lahi ang kanilang kinayari. Ngayon nga'y ipalagay nating wala tayong kasaysayang gaya ng inilalathala ngayon ng aking amaíng si G. Fe lipe G. Calderón, na kinatatalaán ng mga ganitong pangyayari, ay di malayong máulit uli natin ó ng ating mga anák ó inapó ang gayón; nguni't yaong mga naka talós at nakabasa ng mga ganyang kasaysayan ay d magkakamali at mag-iingat na.
Hangang dito nga ay mapagkikilala natin ang halaga ng Istorya ng Sariling Lupafín, palibhasa't ang isang lu paín ay kahalintulad ng isang tao na habang namumuha ay natututo sa kanyang pamumuhay. At sa ganito a di dapat pabayaan ng sino mang makabayan ang pag saliksik ng ating Sariling Kasaysayan.