ating mga yumaong hiraya;4 sa biglang sabi'y yaong mga bagay-
bagay na kapag tayo'y tinatakasan na ng lahat ng bagay lakas,
pananalig at sigla ang mga mahabaging kaibigan ay magdaratingan upang umaliw sa atin sa mga pangungulila sa buhay.
Ah! datapuwa't kami'y naghahanap ng mga bagay na walang halo at ang natatagpuan nami'y isang daigdig na napakalaki at patuloy pang lumalaki't umiikot sa paligid, doon sa isa pang alangaang na walang hanggan ng alaala. Anong daigdig ito na nagwawangis sa sarili ng lahat ng mga guho ng kasalukuyan at ng mga haka-haka tungkol sa panahong darating! Naroroon ang daigdig na panlabas nguni't lalong kamithi-mithi, lalong mababa, lalong malungkot o lalong dakila kaya, alinsunod sa salaming ginagamit sa pagtingin o sa pagkilala. At makakaya kaya naming saklawin ang lahat, at kaming mahinang Atlas,5 hindi kaya matiris sa ilalim ng kanyang malaking bigat?
Kung gayo'y tutukoy kami ng ilang gunita lamang o kaya'y kahit na isa lamang. At ngayong kami'y inilalayo ng panaho't kalawakan sa pook at sa mga tauhan, kami'y malulugod sa paglalarawan ng mga yaon at sa pagbibigay ng buhay sa kanila, at sila'y magsisilbing kababayan namin sa malalayong bansa. Ang mga yao'y kalugud-lugod na sinag ng umaga, ng isang araw: sa paggunita sa kanila'y maaaring sadyang masiyahan ang isang tao, kapag sa pagdadapit-hapon ay nagdidilim ang langit at ang sigwa'y nagbabala sa malayo.
II
Noon ay buwan ng Abril ng 187 . . . May ilang araw pa lamang akong nakalalabas sa Dalubhasaan. Gaya ng lupa't katulad ng mga parang, ako noo'y nasa tagsibol ng buhay; ako'y may labing-anim na taong gulang at nangangarap sa mga hirayang pinakamimithi. Sa akin ay parang mabuti ang lahat, marikit at makalangit gaya ng mga simoy ng hangin sa umaga, gaya ng mga ngiti ng sanggol, o kaya'y gaya ng mga mahiwagang pag-aanasan ng mga bulaklak. Ang mga alaala ng Dalubhasaan, ng aking mga guro, mga kaibigan at mga kasama, ng mga aralin, mga pagliliwaliw at pamamasyal ay hindi pa nakakatkat sa aking gunita at siyang lagi
4 hiraya illusion.
5 Si Atlas, ayon sa katha-katha, ay isang hari sa Mauritaniya na pinarusahan ni Perseo na maging isang bundok at siyang papasan ng daigdig.
52