kahilig sa kaganapan, gaya ng kalakip ng pinakabuod ng mga ka
tawan ang kabigatan, gaya rin ng kalakip ang diwa ng kaliwanagan sa pagkilala sa araw.
At habang tumatanda ang mga bayan ay nawawalan ng katas na nagpapalusog sa kanila noong unang panahon, at isinisilang naman ang ibang bayang lalong bata upang maging tagapagmana niyaong mahalagang kayamanang natipon ng malaking angkan ng sangkatauhan sa pamumuhunan ng ranahon at mga pagpapakasakit.
Nabigo ang pagpapakawala ng Hilaga ng mga sigwa upang maghatid ng kamatayan sa masasayang lunsod ng Europa; walang napala ang kamangmangan at kabuktutan sa pagkapagsimsim sa ibabaw ng libingan ng Romang panginoon ng daigdig; kung ang agham ay tumakas na nasisindak, ang gayo'y upang magpalakas lamang sa pagkakaligpit sa mga klaustro at nang buhat dito'y muling makalabas na hindi nahuhutok at matatag, at inaakay ng kakristiyanuhan upang imulat ang mga mata ng mga pulutong ng mga taong walang tutol na nagtangkang sumakal sa kanya.
Sa gayo'y itinatag ang mga Pamantasan. Maraming nangagsidayo bunat sa lahat ng dako upang pumasok sa mga pamantasan, at ginawa nila ang ginawa ng mga griyego sa Ehipto, ng mga romano sa Gresiya, at ng buong sandaigdig sa Roma at Bisansiyo. Sa lahat ng panahon at sa lahat ng mga kapanahunan ng kasaysayan, ang mga paglalakbay ay siyang naging matibay na suhay ng kabihasnan, palibhasa sa paglalakbay lamang nahuhulog, naaaralan at namumulat ang puso't ang diwa, sa dahilang sa paglalakbay lamang nakikita at napag-aaralan ang lahat ng pagkakáunlad, ang mga karunungang gaya ng Heolohiyang nauukol sa anyo't pagkakabuo ng lupa, ang Heograpiyang naglalarawan ng iba't ibang panig ng lupa, ang Politikang natutungod sa pamamahala, ang Etnolohiyang nauukol sa iba't ibang lahi ng tao, ang Lingguwistikang nauukol sa iba't ibang wika, ang Meteorolohiyang tumatalakay sa mga pangyayari sa papawirin, ang kasaysayan, ang mga hayop, ang mga halaman, ang Estadistika, Eskultura, Arkitextura at Pintura at iba pa; lahat ng nasasangkap sa kaalaman ng tao ay dumaraan at nabubunyag sa mga mata ng manlalakbay.
Sinumang nakakakilala ng lahat ng lupa, ng topograpiya ng isang bansa, sa pamamagitan ng mga mapa at planong sinusuri sa loob ng isang tanggapan ay magkakaroon ng isang kaalaman, hindi ko sasabihing hindi, datapuwa't isang kaalamang kawangis
27