Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/189

From Wikisource
This page has been proofread.

At ito’y itinatanong niya, sapagka't bagam an nakatatanda siya ay ipinaiilalim ang kanyang palagay kay Sinag-tala na kinikilala niyang higit sa katalinuhan a t katibayan ng loob.

— Sino ang may katuw iran? — ang biglang u lit ni Sinag-tala na nagmasid sa dagat na natatan aw buhat sa durungaw an — Sino ang m akapagsasabi niyan? Ang mga paring puti ay bumabasa ng m aram ing aklat a t nagsasabing nakaalam sila ng m aram ing bagay . . . datapuw a’t sa pagpili ng paniniw alaan kung ang ingkong ko’y nagtatanod sa akin o sinasangag sa a p o y ...........ang ingkong na napakabait. Gayunman, sa dahilang ikaw ay hindi kristiyano, ay dapat kang maniwala sa babaylan, sam antalang ako, sa dahilang ako’y bininyagan . . .

— Siyanga; hindi ka naniniwala sa lah at ng sinasabi ng Pari. Hindi sumagot si Sinag-tala.

— Kung ako sana’y kristiyano — ang dugtong ni Maligaya.

— Kung ikaw san a’y kristiyano ay ano?

— M aniniwala ako — ang sagot ni Maligayang itinungo ang ulo a t kum alabit ng ilang bagting ng g ita ra niya.

Nangunot ang kilay ni Sinag-tala, a t sandaling lumingon sa kanyang kapatid, na patuloy sa pagkakatungo ng ulo.

— Nguni’t ako’y naniniw ala sa sinasabi ng ingkong — ang tugon niyang tuyot ang tinig — a t kung hindi lam ang alang-alang sa ating ina na ang kanyang k atay u a’y dapat kong sundin, ay hindi sana ako paroroon kailanm an sa simbahan, ni makikinig ng mga pangara! na iyon, na gaya ng sinasabi ng ingkong ay walang ibang pakay kundi ang abain tayo sa h arap ng ating mga m ata, upang hamakin ang ating sarili a t nang m adali tayong magawang mga alipin; nang ako’y binyagan ay batang m aliit pa ako, a t kung ako sana’y tinanong muna, disi’y hindi ako pumayag kailanm an. Hindi ako makapaniwala, ito’y hindi ko kasalanan; tum atanggi ang katuwiran ko, nguni’t ano ang aking m agagawa? Labis-labis na ang ginagaw a ko sa pagparoon sa simbahan, lumuhod, m agdasal, a t makinig ng pangaral, ano pa ba ang mahihingi nila sa akin?

Nakikinig na nakatunganga si M aligayang kapatid niya.