Hindi ninais ng Tadhana na dumating kailanman ang pagkakataong ito. Makalawang lumunsad doon ang mga hukbo ni Limahong,6 nagkaroon ng isang panahong ang mga tulisang-dagat na galing sa Timog ay nangahas na paratingin ang kanilang panunulisan hanggang sa look ng Maynila at binihag nila ang mga naninirahan sa Maalat na pawang walang sandata; ang ingles ay umagaw ng simbahan nila at buhat dito'y nagpaulan ng mga bomba sa ibabaw ng Maynila at gumawa ng mga kasiraan; at ninais din ng Tadhana na huwag magpaputok ang mga Kastila ng kahit isang kanyon upang ipagtanggol ang mga naninirahan doon, sa dahilang kung magkakagayon ay sino ang nakaaalam kung ang bunga ay magiging baligtad?
Datapuwa't laktawan natin ito at pagbalikan ang mga nalabing walang kaya ng kamaginoohang tagalog.
Sa panahon ng ating kasaysayan ay namamalas pa roon ang bahay ng mga inapo ni Rahang Matanda o Lakandula, naroroon pa ang hagdang yari sa tabla, na kinahulugan nito, nang walang malay tao, ng sawimpalad na matanda, nang marinig ang balita ng pagkamatay ng anak niya, si Rahang Bago, na di pa natatagalang pinagsalinan niya ng pagkapanginoon sa Tundo; si Rahang Bago ay kakila-kilabot na pinutlan ng ulo sa bilangguan, isang sinawi ng maling paghihinala. Naniwala ang mga kastila na ang hukbong-dagat ni Limahong ay hukbong-dagat na galing sa Borneo at pinaparito ng mga di-nasisiyahang ipinalagay na pinangunguluhan ni Rahang Bago ng maginoong Numanatay7, at upang ang mga ito'y huwag makatakas at matiyak na di-makapaghihiganti ay dinakip silang dalawa, at sa loob lamang ng isang oras ay natagpuan silang wala nang ulo. Sinasabing hindi napag-alaman kung sino o sinu-sino ang maykagagawan; ang bilangguan ay hindi tinatanuran at nakapapasok ang lahat ng ibig pumasok, maging mga kawal at maging mga mamamatay-tao; at sa isang oras ay maaaring nakapasok ang napakarami sa mga ito, bagay na di maaaring
6 Si Limahong ay isang tulisang-dagat na insik na noong 1574 ay sumalakay at umagaw sa Maynila, at siyang pumatay sa "Maestro de campo" na si Martin de Goiti, nguni't pagkatapos ay napalayas sa Maynila salamat sa pagsaklolo ni Kapitan Juan Salcedo na nagbuhat sa Bigan. Sa tulong ni Raha Soliman at ng mga kampon nitong kasama ng mga Bisaya at mga taga-Mindanaw, ay naitaboy ng hukbo ni Salcedo si Limahong hanggang sa pinagtaguan nito sa Look ng Lingayen, at doo'y sinunog ang mga sasakyang pandigma ng tulisang insik. Pagkatapos ay tumakas sa Lingayen na lulan ng ibang mga sasakyan.
7 Ang binabanggit na Maginoo o Prinsipal Numanatay, ay hindi matiyak kung isang tauhang gawa-gawa lamang o sadyang makasaysayan.
173