akong pagmayabangan ng iba, pagka’t tinatawag kong tinapay ang
tinapay. at alak ang alak, sa dahilang ako’y sadyang gayon at
magustuhin ako sa liwanag, sa tiyakang pagsasabi! Nasabi ko na,
iyan nga!
At muling lumurang pinalakas sa kabilang sulok ng bibig, na pumatak ngayon ang laway sa tainga ng mabait na si San Francisco.
Ang Amang Walang Hanggang sumusubaybay nang buong pagmamatyag sa talumpati ni Ginoong Policarpio’y nanatiling nakatunganga.
— Datapuwa’t, ang bakit, ang paano, at sa anong paraan...?
— Tantuin ninyo, alamin ninyong nakikilala kong mabuti ang bansa at mayroon akong isang karanasang ...
— Tumigil na kayo, tao pala kayo, tumigil na kayo — ang putol ng isang taong nasa likuran niya — hindi ninyo nalalaman ang inyong sinasabi, dito’y wala tayo sa Maynila kundi sa Kaharian ng Langit.
Ang nagsabi ng gayo’y isang ginoong makisig na may mga kilos na katangi-tangi.
— Hala! — anang Ama sa ikalawang tao — tila lalo kayong nakakikilala sa Pilipinas, liwanagan ninyo kami.
Ang tinukoy ay nag-ayos ng kanyang bigote, tumingin sa lahat nang may matiwasay na ngiti at sa pagkagunita sa katipunan ng mga birhen ay nag-unat ng tayo, at sa isang tinig na matamis at tumataginting ay nagwika:
— Napakabanal na Maharlikang Kadiyusan, ang kahinhinang lagi ko nang ikinatangi sa lahat ng mga pagtittpong bayang naging kapalaran kong daluhan — pinanguluhan kong manaka-naka ang mga ito, buhat sa mga karaniwang miting na pambayan hanggang sa mga kapita-pitagang pagpupulong ng mga kapulungan ng aking tinubuang lupa ...
— Sa butil agad, tao ka, sa butil — ang sabad ni Ginoong Policarpio.
— Tao naman kayo, huwag sana kayong bastos! Bayaan ninyo akong magsalita!
— Tumahimik kayo, hoy!
139