Datapuwa’t marami nang taon ngayon na hindi siya namamataan sa Makiling. Ang kanyang parang aso o anag-ag na anyo ay hindi na naglilibot sa malalalim na lambak o libis, ni bumabagtas sa mga talon ng tubig kung ang gabi’y tahimik at maliwanag ang buwan. Hindi na siya nagpaparinig ng malulungkot na himig ng kanyang mahiwagang alpa, at ngayon, ang mga magkasi ay ikinakasal nang walang tinatanggap na mga hiyas o kaloob na galing sa kanya. Nawala si Mariang Makiling, o kung hindi man siya nawala ay nilalayuan na niya ang pakikitungo sa mga tao.
Sa bagay na ito’y sinisisi ng ilan ang mga mamamayan sa isang bayan, na hindi lamang nangagsitangging magkaloob ng nakaugaliang puting dumalaga kundi hindi rin nangagsauli ng mga kagayakang ipinahiram sa kanila. Ang bintang na ito’y mahigpit nilang tinatanggihan at sinasabi nilang hinamak si Mariang Makiling sapagka’t ninanasa ng mga prayleng dominiko na agawan si Maria ng kanyang mga ari-arian, dahil sa inaangkin ng mga dominiko ang kalahati ng bundok.4 Nguni’t ang isang mangangahoy na gumugol ng animnapu’t lima sa pitumpung taong gulang niya sa pagDubuwal sa lalong nagtatandaang mga punong-kahoy, ay nagbigay sa akin ng ibang salaysay, na bagama’t hindi lubhang laganap ay may kahigitan naman sa pagkamaaaring maging totoo.
Malapit sa talon ng tubig na nasa-bundok ay may isang binata umano, na ang ikinabubuhay ay ang paglinang ng isang makitid na lupa, Siya ang tumutustos sa kanyang mga ubanin at masasakting magulang. Kasiya-siya ang kanyang pagmumukha; siya’y makisig, matipuno at masipag. May puso siyang dakila at walang pagmamarangya, bagama’t siya’y may bahagyang pagkamalungkutin at pagka-walang-kibo,. Ang mga pananim niya’y siyang lalong matataba at lalong mabuti ang pag-aalaga, hindi ito dinarapuan ng mga balang at tila pati ng mga bagyo ay nagpapakundangan; hindi rin ito pinangangalirang ng pagkatuyot, Hindi nabubulok ang mga binhi ng binata kahit na umaapaw sa unos ng ulan ang mga kanugnog na parang. Kailanma’y hindi dinapuan ng salot ang
4 Dito’y ipinakilalala ni Rizal na sa mula't mula pa’y sadyang may paniniwala na ang mga taong-bayan at pati na mga taga-bundok, na ang mga prayle ay sadyang nangangamkam ng hindi kanila, gaya ng hinalang kung kaya patuluyan nang nawala si Mariang Makiling sa bundok ng Makiling ay sanhi sa sama ng loob sa pagkuha o pagkamkam ng mga prayle sa kalahati ng bundok na iyong kanyang tinatahanan. Ang mga _ huling pangyayari sa kasaysayan ng lalawigan ng Laguna ay nagpapatunay sa pagiging Asyenda ng mga prayle ng bayan ng Kalamba, na halos nasapaanan na ng bundok ng Makiling.
105