Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/112

From Wikisource
This page has been proofread.

Datapuwa't si Mariang Makiling ay hindi naman lagi nang
mapagbigay at mairugin sa mga nangangaso. Naghihiganti vin
siya, bagama't ang kanyang paghihiganti'y hindi naging malupit
kailanman. Lagi nang naghahari sa kanya ang malambot na pu-
song babae.

Bumababa sa bundok, isang hapon, ang dalawang balitang ma-
ngangaso na pasan-pasan ang ilang baboy-ramo at usa na kani-
lang nabaril sa buong maghapon. May nasalubong silang isang ma-
tandang babae. Ito'y namanhik na siya'y hatian nila ng tig-iisang
ulo ng kanilang nahuli. Inakala nilang labis naman ang hinihingi
ng matanda at ito'y kanilang tinanggihan. Umalis ang matanda at
nagsabing magbibigay-alam siya sa babaing may-ari ng mga hayop.
Ang bantang ito'y ikinahalakhak ng mga mangangaso.
Nang lumalalim na ang gabi at nalalapit na ang dalawang
mangangaso sa kapatagan ay nakarinig sila ng isang hiyaw na ga-
ling sa malayo, lubhang malayo, na para bagang nagbuhat sa ta-
luktok ng bundok. Mahiwaga ang sigaw at nagsasaad ng:

—Huyaa... huyo!


At tumugon ang isa pang hiyaw na lalo pang malayo:

—Huyaa...huyo!

Ikinagitla ng dalawang mangangaso ang hiyawang iyon na hindi
nila malaman kung saan nanggagaling. Nang marinig ng kanilang
mga aso ang hiyawan ay tumayo ang kanilang mga tainga, bahag-
yang nagsiungol at nangagsiksik sa kanilang mga panginoon.

Hindi pa halos nakalilipas ang ilang saglit nang umalingawngaw
na muli ang hiyawan, nguni't ngayo'y parang nagbubuhat na sa
libis ng bundok. Nang marinig iyon ng mga aso ay ibinahag ang
kanilang mga buntot, nangagsiksik na muli sa kanilang mga pangi-
noon na para bagang napasasaklolo. Ang mga panginoon naman ay
natitilihang nagkatinginan, isang kataga man ay wala silang ma-
sabi, at nagtatanungan sila, sa pamamagitan ng tingin. Ikinamang-
ha nila kung paano nalakad ng mga naghihiyawan sa loob ng ilang
saglit lamang ang gayon kalayong agwat.

Nang dumating sila sa kapatagan ay muling dumagundong ang
nakapangingilabot na hiyaw, na ngayo'y lubhang malinaw na at
maliwanag. Hindi man kinukusa ng mga mangangaso ay kapuwa
sila napalingon sa likod. Noon, sa liwanag ng buwan ay nabanaa-

103