Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/106

From Wikisource
This page has been proofread.


bigan ng mga indiyo at lubha ring kaaway ng ating banal na pananampalataya. Ayaw siyang makilahok ang mga insik sa mga seremonya, gayong alam niya na pag-alis na pag-alis ng insik sa bansa, ay tinatalikdan ang pagkakristiyano, palibhasa’y ang insik ay nagkikristiyano lamang sa udyok ng sariling kapakanan. Ang mga kristiyano, habang sila’y lalong sumasama ay lalong mabuti. Ito’y nababatid ng mga prayleng dominiko, at kahit na pagkalooban at handugan sila ng salapi ng mga insik ay hindi nila tinatanggap. Ba! hindi po!

Sinisikap ng mga prayleng dominiko na ang mga indiyo ay huwag makipag-alitan sa mga mestiso, ni ang mestiso sa mga insik, at ito’y nalalabag sa maliwanag na kautusan ni Hesukristo na paghati-hatiin upang makapaghari. Dahil sa pagsuway nilang ito’y nararapat na sila ang gawing mga obispo. Dapat itanim sa kanilang ulo ang isang mitra bilang tanda ng kapalaluan, at sa ganito’y matutulad sila sa mga paring asiryo at persa na nangakasuot ng mitra. Sinusunod ng mga dominiko si Maquiavelo, ang sinumpang si Maquiavelo, na nagsabing karapatang ipangaral ang kapayapaan at pagkakasundo. Tungod sa pagkakasundo, alam mo ba, Salvadorsito, na dumalaw si Pari Baldomero at isa pang pari sa Colegio de la Concordia; baka sakaling nalimutan mo na,.. . ang kolehiyong ito’y para sa mga dalagang bagong-sibol na nangag-aaral; gaya ng mahihintay, hindi sila pumasok sa mga silid-tulugan samantalang nangagbibihis 0 nangagpapalit ng damit ang mga dalaga. Hindi rin nila kinausap ang lalong magaganda sa mga dalaga, at sa ilang pagkakataong sila’y nakipag-usap sa mga kolehiyala, ang pakikipag-usap na ito’y hindi sa dilim, hindi sa likod ng mga pinto, at hindi malayo sa mga kasamahan . .. Ay! kay tindi ng pasakit na kanilang tiniis . . . Ay! sila’y totoong malinis, totoong banal, at totoong matimpi ang kanilang kalooban! At ang mga madre naman ay totoong mahihigpit, hindi marunong magpairog, at hindi marunong magpaumanhin! Sa buong panahong naroon sila sa kolehiyo ay walang napag-usapan kundi ang Diyos! at namalagi silang halos maiyak at nangagdadalamhati!

— Aray! naku! aray!

— Ano ang nangyayari sa iyo, Salvadorsito?

— Alisin na po ninyo ako sa pagka-prokurador, sapagka’t dito’y tinitiis ko rin ang katulad ng tiniis nina Baldomero at ng kasama niyang pari sa kolehiyo ng mga dalaga. Kay daming mga ma-

97