Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/105

From Wikisource
This page has been proofread.


mga pangaral! Halos wala na siyang panahon upang magpakuha ng larawan! Ang bagay na iyan ay magpapasakit sa iyo, sapagka’t kahit na ikaw ay may panatang magpayaman, magpalalo, at magmahalay, ay hindi mo pinapansin ang mga yaon... Huwag mong limuting magpakuha ng larawan sa katayuang nagninilaynilay at parang komedyante, hane! Patnubayan ka nawa ng Diyos!

— Sundin ang loob ninyo! — ang naihibik ni Salvadorsito na lubos ang pagsang-ayon, at ang buong bahay niya’y napuno ng paghihimutok.

Totoong napakababa ng loob ni Salvadorsito, na kanyang ikinahahapis ang kaisipang siya’y humarap sa tao kahit na sa pamamagitan lamang ng larawan. Dahil din sa kanyang kababaang loob, kung kinakailangang siya’y mangaral, ang tinig niya’y pinalalaki’t pinalalalim upang matakot ang mga nakikinig at mangag-alisan.

— Salvadorsito, Salvadorsito! — ang sigaw na muli buhat sa telepono.

— Mag-utos po ang inyong pagkaama! — ang tugon ng mabait na prokurador. Ngayon ay dumapa siya upang lalong mapitagang mapakinggan ang kanyang probinsiyal.

— Isamo mo sa Ministro na huwag gawing Obispo si Pray Rodriguez. Sabihin mo sa kanya na si Pray Rodriguez ay abalang-abala sa paghahanap at pagbuo ng mga salitang hango sa salitang “Kalamba”, gaya baga ng Kalambano, Kalambaino, Kalaino, Kalainos, Kung makikita mo lamang kung gaano ang tinitiis niyang hirap upang maisagawa ang bagay na ito! Para bagang ikinalulugod niyang tutoong pagpawisan. Wala siyang panahon upang mag-obispo, bagama’t siya’y magiging magaling na obispo, sapagka’t pinarusahan siya ng ating Amang si San Agustin na maging hangal sa buo niyang buhay. Alang-alang sa Diyos, ay huwag _nawa siyang gawing obispo!

— Hindi po ang Ministro ang nagtatangkang pag-obispuhin siya. Ang nagtatangka po niyaon ay ang mga paring dominiko Na nagnanais iwasan ang tungkulin, sa udyok ng kanilang diwang mapagpalalo! — ani Salvadorsito,

— Kung gayon, ay sabihin mo sa Ministro, na kung sa pag obispo ay wala nang tatalo sa mga prayleng dominiko. Dito’y may nakikilala akong isang prayleng dominiko na lubhang kai-

96