Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/22

From Wikisource
This page has been validated.


— 17 —


ng mga Ingles: —at— ang mga lupang Pilipinas, na halos lahat ng pulo't lalawigan ay sagana sa mga halama't pananim, sa mga kayamanan at sa balang ikabubuhay, —ay di mapagtatakhang pamayanan ng lahing ito.

Kung paano ang pagkapasimula ng pagkakaparito ng mga ito ay di natin masabi at walang aklat na makapagpatotoo, datapua't ang mga pagkakaganiganito ng mga tao noong unang dako, na nangapapalipat sa ibang mga pulo't lupain ay di kaila sa mga kasaysayan, at nariyan ang mga aklat nina Ratzel, Ellis, John Dunmore at ibp. Noon ngang una na di pa lubhang kilala ang katalinuan sa pagdadagat at wala pang kagamitan, kungdi ang mga sasakyang may layag lamang ay madalas nangyayari sa mga magdadagat na kung totoong nangapapalaot sa dagat at inaabot ng pagbabago ng hangin ay nangapapaligaw hangang sa masadsad sa ibang lupain, at mangyare, kung hindi na mangakabalik at kabubuhayan naman ang lupaing kinasadsaran ay natutuluyan ng doon mamayan, o kung sakali mang nangakabalik at sa ganang kanila ay lalong maginhawa ang lupaing kinasadsaran nila kay sa lupa nilang tinubuan ay nangyayari ring pinagbabalikan at nag-aanyaya pa ng kanilang mga kamag-anak at kakilala. Ito nga ang matuid na masasapantaha natin, na dahil ng ikinaparito ng mga taong ito, at dito'y di natin maliligtaang di bangitin na pinakahalimbawa ang sali't saling sabi

2