Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/21

From Wikisource
This page has been validated.


— 16 —

Ikatlong Pangkat.

Ang Pagkaparito at Pinangalingan ng Lahing Pilipino.

Ngayon ngang batid na natin ang dinami-dami nitong mga lipilipi at angkan-angkang nangananahan dito na pawang kinikilalang pilipino ay di natin maliligtaan na di maitanong kahi't sa sarili kung ang mga ito ay katutubo rito o kung bakit nangaparito at saan nangangaling.

Sa pagkakatutubo rito, ng mga taong ito anang manga mananalaysay ay hindi at bago pa nga mandin ang mga ito ay ang mga ita muna ang nanganahan dito; sapagka't di nga naman mangyayari na ang isang lahing mahina na gaya ng mga ita ay mahuli pa isang lahing may kaonting kalakasan. Nguni't mula pa sa kaunaunahang dako hangang sa panahong ito ay hindi kaila na ang tao ay laging nagsikap ng ikabubuti't ikagiginhawa ng sarili na kung di nga masiyahan sa kanyang bayan ay dumadayo sa iba; kaya't hangang ngayon ay may mga taong gubat na nagpapabuhatbuhat ng tahanan dahil sa paghanap ng lalo't lalong mabuting lupa o ng dakong lalong maginhawa sa kanyang pamumuhay, at maging sa mga matalinong bayan man ay gayon din, at nariyan ang Australia na pinamamayanan