Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/18

From Wikisource
This page has been validated.


—13—


dadalawang pu't anim, at sa bilang na ito ay may binangit pa ang mga Jesuita na di ibinibilang ng Profesor Blumentrit sa kanyang salaysay na gaya rin ng Profesor Blumentrit tungkol sa binangit ng mga Jesuita: ano pa't kung idadagdag ang mga binangit ng mga Jesuita na di naibilang ng Profesor Blumentrit sa kanyang pagkatala ay hihigit pa nga sa tatlong pu't anim na bilang niya. Ngunit hindi lamang ito, kundi dumating dito ang mga Americano at pinagsikapan ding masiyasat itong iba't ibang liping nagsisipangubat, na sa mġa sumiyasat at nakakita ng mga ito ay di maliligtaan sina Dr. Barrows, Comicionado Dean C. Worcester, John C. Foreman. Dr. M. L. Miller, Capitan Charles E. Nathorst, at Capitan Samuel D. Crawford at di rin nangagkaiisa ng isipan bagay sa mga liping ito; sapagca't ani Dr. Barrows ay tatatlo ang liping malayo rito at kung bagá man anya't marami ay angkan lamang ng tatlong ito ang iba, samantala namang ang sa Comicionado Dean C. Worcester ay anim ang liping malayong narito at anáng iba ay isang gayon: ano pa at iba't iba. Kung alin ang matuid sa mga salaysay noong mga una sampu nitong mga huli ay di natin masabi at hangang ngayon ay di pa lubos na kilala ang boong paraa't ayos ng pamumuhay niyang mğa taong gubat na nabangit baga man masasapantahang di lubhang magkakaiiba,

Ang ikalawang bahagi na sa mga moro, ay