lkalawang Pangkat.
Lahing Pilipino
Maliban sa mga itim ay pawang lahing malayo na ang nangananahan dito na may halo marahil na kaonting indonesiano, at ngayo'y siyang mga kinikilalang pilipino.
Ang lahing ito ay nababahagi ngayon ng tatlong malalaking bahagi: Una'y ang mga taong nagsipangubat na di napasaklaw sa kapangyarihan ng mga taga ibang lupain, ikalawa'y ang mga moro o kumikilala kay Mahoma at ikatlo'y ang mga nagsipagkristiano.
Ang tatlong bahaging ito ay paraparang napapangkat ngayon ng lipilipi at angkan-angkan.
Ang unang bahagi, na sa mga taong gubat, ay lubhang marami ang pagkakapangkatpangkat; nguni't ang mga lubhang kilala ay ang Igorot Ilongot, Tingian, Gaddan at Kalinga dito sa Luzon, ang Tiruray sa Mindanaw at ang Tagbanua sa Palawan. Ang pagkakapangkatpangkat ng mga taong ito ay pinagkaroonan ng iba't ibang isipan ng mga tanyag na mananalaysay. Anang Profesor Blumentrit, sukat dito sa kalusonan at kabisayaan ay napapangkat ang mga ito ng tatlong pu't anim na lipi baga man kalakip na pati nang sa mga itim, at anang mga mananalaysay na Jesuita ay