Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/112

From Wikisource
This page has been validated.


— 111 —


nangagpapasintabi rin kaya't sa isang dako ng pangpang sa Potal na nasa pulo ng Panay ay nangag-aalay ang mga magdadagat ng pingan at bala na.

Gayon din sa malalaking punong cahoy na ipinacatatangi rin ang baliti na di pinuputol at bagcus na ipinacacagalang.

Sa pagdalangin at sa anó mang pagsanguni ay sa katalona rin ipinangangasiwa na canilang pinamamagatang babaylana.

Nangagsisipaniwala ring may cabilang buhay; ano pa't ang canilang pagsamba't pananampalataya ay masasabi nating caisa ng mga taga Luzón palibhasa'y caisang lahi; nguni't bucod dito sa nangabangit ay may iba pa silang capanaligan na siya nilang ikinaiiba at dili iba't ang sumusunod.

Ang iba'y cumikilala sa Dios Lisbusawen na di umano'y siyang kinacasama ng mğa caluluwa sa isang bundoc na nasa pulô ng Burney (marahil ay Borneo).

Ang iba naman ay kumikilala sa Dios Sidapaw na siyang nagtatangkilik ng isang malaking punong kahoy sa isang mataas na bundok sa Panay na pinanganganlan Mayas ó Maya at ang Diyós na nabangit di umano'y siyang sumusucat doon ng buhay ng tanang kinapal na pagdating sa kanyang sukat ay namamatay na walang pagsala.