iniuukmang iinumin ang alak at habang ginagawa yaon ay iniwiwisik ang alak sa pusò ng
baboy. Kung matapos yaon ay binibitawan ang
kopa, at humahawak ng isang sibat na kanyang
pinaiikot sa kamay, habang sumasayaw at nagsasaysay at makaapat ó makalimang iniuukma
ang sibat sa puso ng baboy; nguni't sa katapustapusan ay isinisibat at pinapaglalagpaslagpasanan, saka binubunot uli na tinatakpan ang sugat at tuloy binabalot ng damo.
Habang idinadaos ang ganitong pagdidiwan ay may apoy na laging nakahanda at hinihipan na pinapatay ng matandang babaeng sumisibat sa baboy samantalang ang isa naman ay isinasawsaw ang kanyang pakakak sa dugo ng baboy at saka itinatanda yaon sa noo ng kanyang asawa at ng kanyang mga kasama at pagkatapos ay sa lahat ng kaharap.
Kung magawa nang lahat yaon ay hinuhubad ng dalawang matandang babaeng yaon ang kanilang balabal at dinudulog ang nasa dalawang pingan na walang inaanyayahan, liban sa mga babae lamang. Pagkatapos ay inaalisan ng balahibo ang baboy sa apoy at ang mga matandang babae lamang ang nakagagawa noon at ang hayop na ito, di umano, ay di maaaring kanin kailan man, malibang patayin ng ganitong paraan.
Sa malaking bató sa mga pangpangin ay