Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/105

From Wikisource
This page has been validated.


— 104 —


halimbawa. At dito sa ilog Pasig di umano'y may isang malaking bató na ayon sa naging capaniwalaan ay buwayang naging bató (marahil sa Guadalupe) at pinagbigyán din pasintabi ng mğa namamangka na inaalayan ng cahit ano hangang sa sinira di umano ng mga pareng agustino ang batong yaon at tinirikan ng isang cruz, saca pinagtayuan ng isang munting simbahan na ipinatungcol cay San Nicolás.

Ang matatandang punong cahoy at lalong lalo na ang puno ng baliti (1) ay pinagbibigyán ding pasintabi at sa ganang canila'y casalanan na pagisipang putulin, at ang dahil di umano'y siyang sinisilungan at tinatahanan ng mga anito (2).

Ang mga anitong nabangit (palibhasa'y hindi casinsacdal ni Bathala) ay siyang mga ipinagtatayo ng mga moog at bahay dalanginan na canilang pinanganganlang ulanĝo. Ang mga ulanĝo namang ito ay moog na cawayan ó torre na ani P. Chirino ay marikit ang pagcayari ayon sa caniyang nakita sa Taytay. Ang mga ulangong itó marahil ay hindi dalanginang bayan, sapagca't di umano'y sa canicaniyang bahay ginaganap ang pagdalangin, ó


(1) Ang puno ng baliti rito ay siyang maitutulad sa mga puno ng lotus sa Egipto, China at India na pinacagagalang at pinakabibigyang pasintabi ng mga tagaroon. At sa Indi di umano'y ang calasutsé ang tinatawag na lotus.

(2) Ng mga anito marahil na pinipintacasi nila sa parang at bukid.