Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/104

From Wikisource
This page has been validated.


— 103 —


pinanganganlang May-Lupa o may-ari ng lupa ang ibig sabihin.

Ang mababangis na hayop na gaya ng buwaya at iba pa ay kanilang iginagalang at pinagbibigyang pasintabi; nguni't di umano'y dahil sa takot at hindi sa anomang bagay, at sa ganito'y binábangit nila sa kanilang panunumpa na lamunin ako ng buwaya kundi ko tuparin: kaya't ng kumilala sa Pamahalaan ng España ang mga pangulo dito sa Maynila at Tundó noong taong 1571 ay nangagsisumpa di umanong: sila'y ilubog ng araw, at sila'y lamunin ng mga buwaya at sila'y kapootan ng mga babae kung magculang sa canilang pangaco. At upang mabigyan pa ng lubhang katibayan ang sumpang ito ay ginaganap ang tinatawag nilang pasambahan, na di umano'y nagsahaharap ng larawan ng isang malaking hayop, saca sinasabing lamunin sila noon cung hindi sila tumupad ng canilang pangaco, at pagcatapos ay nagsisindi ng isang candila at saca muling nagsabi na cung paanong nauupós ang candilang yaon ay gayon din mauupós ang magculang. At sa ganito'y napagkikilala na ang canilang pagpapasintabi sa mga hayop ay maipaparis sa pagpapasintabi ng taga Egipto sa mga pinasisintabian naman nilang mga hayop din.

Ang ibang malalaking bató sa mga pangpangin ay pinagbibigyán pasintabi na pinag-aalayan ng hayin cahi't ano, isang putol na tikín