Huag Acong Salangin Nino Man/30
Hindî malimutan ng̃ guinoong babae ang pagcacabangguít sa mg̃a culót ng̃ canyáng buhóc at ang pagcacayapac sa "encañonado" ng̃ canyáng mg̃a "enagua."
Ng̃ gabíng yaó'y casama ng̃ mg̃a ibá't ibáng bagay na isinusulat ng̃ binatang mapulá ang buhóc sa canyáng librong "Estudios Coloniales," ang sumúsunod: "Cung anó't macahihilahil sa casayahan ng̃ isáng piguíng ang isáng liig at isáng pacpác sa pinggán ng̃ tinola." At casama ng̃ mg̃a iba't ibáng paunáwà ang mg̃a ganitó:—"Ang taong lalong waláng cabuluhán sa Filipinas sa isáng hapunan ó casayahan ay ang nagpapahapon ó nagpapafiesta: macapagpapasimulâ sa pagpapalayas sa may bahay at mananatili ang lahát sa boong capanatagán."—"Sa mg̃a calagayan ng̃ayón ng̃ mg̃a bagay bagay, halos ay isáng cagaling̃ang sa canilá'y gágawin ang huwág paalisín sa caniláng lupaín ang mg̃a filipino, at huwág man lamang turúan siláng bumasa"....