Jump to content

Ang Buhok ni Ester/Ikalawang Bahagi/II

From Wikisource
380660Ang Buhok ni Ester, Ikalawang Bahagi — Ang Babaying Lalaki1915Aurelio Tolentino
[ 20 ]

KABANATANG II

Ang babaying lalaki



 

Si Gerardo ay marahang nanhik sa hagdanan.

―Tiktik?,―ang tawag ni Juana.

―Hindî, ang sagot ni Gerardo.

―¿Sino iyan?,―ang muling tanóng ni Juana' sabay sunggab sa kaniyang baril na na sa la­pag, saka maliksing tumindig.

―Ako'y si Gerardo

―¡Ah!: magandang gabi po.

―¿Anó ang lagay ni Gloria?

―¿Sino pong Gloria?

―Iyang babaying binabantayan mo.

―¿Gloria pu ba ang kaniyang pang̃alan?

[ 21 ]—Itinatanong ko sa iyo kung ano ang kani­yang lagay.

—Siya po'y naglulubhá sa bawa't sandalî. Ewan kung matatawirán pa niya itong buong magdamag.

—¿Bakit?

—Sa tuwing magigising po, ay siya'y agad hinihimatáy.

—¿Anó ang kanyang sinasabi, buhat kang̃i­nang umagang siya'y idating dito?

—Siya po'y hindî pa nagsalitâ ng̃ kahit ii­ang bigkás.

Si Gerardo ay lumapit kay Gloria, saka hinawakan sa tibukan.

—Inaapoy ng̃a ng̃ lagnat,—aniya.

Kahit naiidlip si Gloria, pagkaring̃ig sa ting̃ig ni Gerardo, ay biglang nagising. Idinilat ang mg̃a mata at pagkakita kay Gerardo, ay dagling pumukaw at tumindig. Nanglisik ang kaniyang mg̃a matá sa pagtingin kay Gerardo, at nang̃i­nig ang kaniyang buong katawan. Ang anyô ni Gloria ay alang̃ang kahabagán at alang̃ang katakutan.

Iniunat na matwid ang kaniyang kamay na [ 22 ]kanan, sakâ itinuro si Gerardo.

—¡Ikaw!, ang kaniyang kagulat-gulat na si­gaw,—¡Ikaw ang siyang may kagagawan!

Biglang dinaluhang si Gerardo, at tinampal ng̃ ubos-lakás sa mukhâ, sakâ hinimatay at nabuwal.

—Masamang bangkay ito,—ani Gerardo, sa­mantalang humahapdî ang kaniyang mukhâ— Bangkay na ay nananampal pa.

Sa nangyaring iyon ay napagwari ni Juana na marahil ay hindi tutoo ang sabi ni Dimas na kapahintulutan daw ni Gloria ang pagka-agaw sa kaniya, sapagka't siya raw ay talagang ka­sintahan ni Gerardo. Gayón pa man, si juana ay hindî kumibô. Sukat ng̃ niyari niya sa ka­looban, na hindî niya ipahihintulot na lapastang̃a­nin ni Gerardo ang kaawa awang babayi.

—Juana,—ani Gerardo,—manaog ka.

—¿Saan po ako patutung̃o?

—Kahit saan ang ibig mo. Ikaw ay bumalik bukas ng̃ umaga.

Sinapantahà ni Juana na si Gerardo ay may masamang nais kay Gloria.

—Ipinagbilin po ni Dimas na huwag kong [ 23 ]iwan iyang babayi.

—Manaog kat siya kong utos,—ang bulas ni Gerardo—Dito'y walang ibang may kapangyari­han kung di sariling ako. Manaog ka ng̃ madali.

Si Juana ay nanaog, dala ang kaniyang baril. Sa pamamagitan ng̃ kaniyang mg̃a yabag, ay ipi­naring̃ig na siya'y yumaon sa malayò.

Si Gerardo ay dumung̃aw sa linib, at pagka­kitang malayo na ng̃a si Juana, ay siya'y bumalik sa tabi ni Gloria.

Si Juana ay marahang lumapit sa hagdanan at ang kanyang baril ay isinandal sa haligi ng̃ gabáy, sakâ nagmasid-masid. Nakita niyang ibig lapastang̃anin ni Gerardo si Gloria sa kaniyang paghihimatay, kaya't siya'y biglang pumanhik at pumasok sa kabahayan.

―Ginoong Gerardo—aniya,—hindi ku po ipahihintulot na lapastang̃anin ng̃ sino man ang babaying iyan, sa kaniyang paghihimatay.

—¿At ano ang iyong pakikialam?

—Una po, ay siya'y kapwa ko babayi ikalawa, ay wala siyang malay sa kaniyang pagkatao; ikatló ay malubhâ ang kaniyang sakit at di malayong ang inyong gagawing [ 24 ]paglapastang̃an ay kaniyang ikamatay; ikapat, ay ipinagbi­lin ni Dimas na kahit anó pa man ang mangyari, ay huwag kong ipahintulot ang siya'y lapastang̃anin ng̃ sinó man. Kung kayó man po ay may ibig gawin sa kaniya, ay huwag ng̃ayóng siya'y na sa paghihimatay, kungdî mamayang siya'y pagsaulan ng̃ diwà. Kung hindi gayón, ay hindi mangyayari.

—¡Napakatapang mo!

—Sa katuwiran po lamang.

—¿Anó bang katuwiran ang idinadaldal mo? Ditoy walang tunay na katuwiran kundî bukod tang̃ing ang aking kalooban. Akó, akong sarili ay siyang tunay na katuwiran. ¿Narig̃ig mo? Ako'y siyang nagbibigay ng̃ pagkain sa inyó, at hindi maaaring hindi kayó susunod sa lahat kong utos.

—Maaari po ang lahat ninyong utos, huwag lamang hinggil sa paglapastang̃an diyan sa kaawa awang babayi, na hindi natin nalalaman kung pagsasaulan pa ng̃ hining̃a sa kaniyang paghihi­matay.

―¿Hindi ba mangyayari, ang wikà mo?

—Hindi po, hindi mangyayari.

[ 25 ]—Mangyayari ngâ.

At anyóng lalapit kay Gloria, ng̃uni't siya'y hinarang ni Juana.

—¡Layô!,—ani Gerardo, sabay tulak kay Juana. Itó ay umilandáng at napalupagi sa isáng sulok ng̃ bahay.

Si Gerardo ay anyong lalapit na muli kay Gloria, datapuwa't si Juana ay maliksing tumalón, at muling hinarang si Gerardo.

—Hindi po mangyayari, ang kaniyang ma­tatag na tutol.—Patayin muna ninyò akó.

―Papatayin ng̃a kita,—ang tugón ni Gerardo.

Sinakal sa liig si Juana, ihinampás sa sahig, saka ipinagdiinan.

Si Juana ay nang̃itim at lumawit ang dilà.

Napagod ang ganid na si Gerardo at binitiwan si Juana.

—¿Susuway ka pa ng̃ayon sa aking nais?,— ang kaniyang tanong.

—Opo, hanggang ako'y may tumitibok na buhay,—ang sagot ni Juana.

―Kung gayon, ay papatayin na ng̃a kitang tuluyan,—ani Gerardo.

Muling sinakal sa liig ang kaawa-awang si [ 26 ]Juana, kinaladkad hanggang sa pintuan at ini­hulog sa hagdanan; nguni't siya'y naabot ng̃ kagat ni Juana sa bisig, kaya't ito'y hindî nag­tuloy nahulog sa lupa, at naglambi-lambitin sa kalamnang kinabaonan ng̃ kanyang matibay na ngipin.

¡¡¡Bitiwan mo ako!!!,—ang ung̃ol ni Gerardo.

Si Juana ay nanggigigil.

Ang dugong tumatagistis sa mg̃a labi ni Jua­na ay kaniyang ibinubuga at tumama sa muk­ha ni Gerardo.

―¡Ako'y linuluran sa mukhâ!,—aniya.—¡Bu­mubuga ng̃ kamandag ang babaying ito

Ng̃ayón ay hindî nagkamali si Gerardo, sapag­kat ang dugong dumadaloy sa kanyang bisig at ibinúbuga ni Juana, ay talagang tunay na mabisang kamandag.

Biglang iniwagwag si Juana, kaya't napigtas ang kagat na laman, at siya'y na hulog sa lupà.

Ang hagdanan ay mababà at si Juana'y hindî nasaktan.

Si Gerardo ay bumalik sa kabahayan at anyóng isagawâ ang kaniyang mahalay na nais.

Si Juana ay dagling tumindig sa lupà at [ 27 ]papanhik sana, subalit naapuhap na hindî sinad­yáa ng kaniyang baril na isinandal kang̃ina sa punò ng̃ gabáy. Pagdaka'y muling bumabâ sa lupà, sinunggabán ang baril, iniakmá ang ka­labitan, isinabak sa balikat sakâ itinudlâ kay Gerardo.

―Kapag sinalang po ninyong babaying iyan,—ang kaniyang kagula-gulat na bantâ,— ay paka-asahan ninyong kayo'y aking babarilin.

Si Gerardo ay lumingón, at pagkakitang nakatudlâ sa kaniya ang baril ni Juana, ay siya'y kinilabutan at nang̃atal ang buong katawan.

Ang kaniyang kalagim-lagim na tapang ay big­lang naging kalagim-lagim na takot. Inakalà ni­yang siya'y tutuluyan ngã ni Juana, kung kaniyang ipipilit ang nais na mahalay.

Siya'y umurong at lumayô kay Gloria.

―Manaog po kayó rian,—ani Juana.

Kang̃ina'y si Gerardo ay siyang nag-uutos kay Juana, subalit ng̃ayon ay si Juana naman ang siyang nag-uutos kay Gerardo.

—Manaog na po kayóng madalî,—ang kani­yang ulit,—sapagka't kung hindî, ay kayo'y aking babarilin.

[ 28 ]—Oo, ako'y mananaog,—ang malambot na sagot ni Gerardo,—nguni't ibigay mo muna sa akin ang mg̃a hiyas, botitos at damit ni Gloria.

—Kunin po ninyo, at narian sa baul na na sa inyóng likurán. Ang mg̃a hiyas ay nakabalot sa isang munting panyóng putî, at ang botitos at damit ay nakabalot namán sa isang panyong malaki.

Ang baril ni Juana ay hindi naaalis sa pag­ia kay Gerardo.

―Pumanhik ka,—ang sagot nito,—at ikaw ang siyang maghalungkat sa baul mo.

Ang ibig ni Gerardo, si Juana ay pumanhik, at kung binubuksan na niya ang baul, saka biglang yayapusin at aagawin ang baril. Suba­lit si Juana ay hindî maaaring masilo sa ga­yong paraan, palibhasa'y dati niyang batid ang masidhing kapaslangãn ni Gerardo.

—Hindi po ako papanhik,—aniya,—kayo ay siyang kumuha ng̃ mg̃a hiyas at damit na in­yong hinihiling: ang baul ko ay hindi nakasusi.

Lumapit si Gerardo sa baul at kunwari'y ubos lakas na binubuksan.

—Nakasusi ang baul,—aniya.—Pumanhik ka, [ 29 ]at buksán mo.

—Kung gayon,—ang tugon ni Juana,—ay kayo'y manaog, at ako'y papanhik.

Si Gerardo ay parang sinaksak ng̃ sundang sa dibdib. Inakala niyang walâ ng̃ sukat pang maisipang paraan, upang makapaghiganti kay Juana, at masagawâ ang kaniyang mahalay na nais.

—¿Hindi pa ba kayo mananaog? ¡Babari­lin ko na kayo!—ani Juana, sabay sipat sa pa­nudlâ at akmâ ang daliri sa kalabitan.

—¡Hintay!...¡Naku!..., ang samo ni Gerar­do—¡Ang babaying ito ay lalaking tunay,—ang marahan niyang dugtong.

Ang mabang̃is na si Gerardo ay nanaog sa gaya ng̃ isang basang sisiw. Si Juana ay umu­rong at lumayô sa hagdanan, ng̃uni't hindi inia­lis ang baril sa pagkatudlâ kay Gerardo.

—Kayo ay pumaroon sa tapat ng̃ linib sa harapan ng̃ bahay,—ang utos ni Juana.

Si Gerardo ay tumupad, palibhasa'y natata­kot.

—Lumayô pa po kayo,—ang muling utos ni Juana.—Sulung pa...... layô...... layu [ 30 ]pa...... Siya, dian. Huwag kayóng titinag dian. Pagtinag ninyó, ay asahan ninyóng kayo'y aking bábarilin.

Si Gerardo ay malayò na sa bahay, kaya't si Juana ay nanhik.

Kaniyang binuksan ang baul, at nakita ni­yang hindi ng̃a nakasusi. Tinanaw niya si Ge­rardo buhat sa linib. Si Gerardo ay parang ipi­nakò sa pagkátayô.

—Talagang may masamang nasà,—ani Juana sa sarili.—Ibig niya ako'y pumanhik, upang agawan ang baril: sinabi niyang nakasusi raw ang baul, ng̃uni't narito at bukas.

Kinuha ang mg̃a bulutan ng̃ damit at hiyas, sakâ ipinukol sa lupa, sa harapan ng̃ bahay.

—Ayán po ang mg̃a damit at hiyas na in­yóng kailang̃an,—ang kaniyang sigaw.

—¿Maaari na bang akó'y tuminag dine?,—ang nang̃ang̃atal na tanong ni Gerardo.

―Opo kayo'y layâ na ng̃ayon.

—¿Maaari na bang pulutin ko ang mga balu­tang itó?

—Opò, maaari na.

—¡Kay daling umamo ng dambuhalang itó!

[ 31 ]Pinulot sa lupà ni Gerardo ang mg̃a balutan ng̃ hiyas at damit, at tulóy-tulóy na umalis, walang pinag-ibhán sa asong nasaktan at ba­hág ang buntot.