Jump to content

Ang Buhok ni Ester/Ikalawang Bahagi/I

From Wikisource
380655Ang Buhok ni Ester, Ikalawang Bahagi — Gumagalaw Ang Ulupong1915Aurelio Tolentino
[ 5 ]

KABANATANG I

Gumagalaw ang ulupong



Salamat na lamang at ang isang alilang matandâ ni kapitang Luis, na isa sa mga humabol, ay nakapagdala ng isang itak, at sa pamamagitan nito, ang nasabing kapitang Luis ay nakapagpaputol kaagad ng mga ilang kawayang doo'y malapit at madaling nakapagpagawa ng isang langkayang pinaglalanan kay Oscar, saka nila inihatid sa kaniyang bahay.

―Napaka-malubha ng sugat sa tagiliran―ang anás ng manggagamot kay kapitang Luis, matapos siyasatin ang sugat ni Oscar―Ang panglò ay na sa loob ng kaniyang katawan, at di malayong ikamatay.

[ 6 ]Palibhasa'y si Oscar ay ulila sa amát iná, at siyay walang kasamang tagapamahalà sa babay at sa mga ilang alila kungdi isang matandang dalagang kapatid na panganay ng kamiyang amá, kaya't si Ester at si kapitang Luis ay siyang tumanod at sumiyasat sa kaniya sa buong magdamag. Sa tuwing pagsaulan ng diwà si Oscar ay nakikita niya si Ester na nagpupuyat al nagbabantay sa dakong ulunan. Ang pagbabantay na iyon ni Ester ay siyang pinakamabisang gamót na pumipigil sa nagtatanang buhay ng sugatán.

Ang mga constables, gaya rin ng Hues de paz, ang Presidente Munisipal at mga ilang pulis, ay pawang nagsidaló rin sa sakuná silang lahat ay nagsihabol sa landás na pinagdaanan nila Bagyó sa dakong Hilagaan.

Gayon pa man, kahit mahigpit ang pangako ng pamunuan ng mga constable, na di raw lilig. tás ang mga gumuló sa bayan at laban sa palalong banta ng pamunuan ng mga pulis, na bago raw magbukang liwayway ay ihahatid niya si Gloria sa bahay ng kaniyang naghihimutók na iná, ay batid na nga ng mahal na bumabasa na [ 7 ]ang kaniláng mg̃a hinahabol ay pawang ligtas na't malalayò ng lubhâ: si Kidlat at si Buhawi na may dalá kay Doctor Ruben ay tahimik na naglalakbay sa mg̃a gubat at bundók sa dakong Timugan; si Dimas at si Tiktik na may dala kay Gloria ay tahimik ding namamalisbis sa mg̃a lihis ng mg̃a bundók sa dakong Silang̃anan; at si Bagyó, ang sariling binabakás ng mg̃a habol sa dakong Hilagaan, ay ayón at nagpapatulin ng kabayo, at lumiko na sa dakong kanan tung̃o sa kanilang “real” sa bundók ng̃ Irig.

Ang mg̃a bayaning constables at mg̃a pulis na matatapang ay walang nahuling tulisan kundî bukod tang̃ing si Kulog; nguni't itó ay hindi na maaaring pakinabang̃an, sapagka't ng̃ kanilang mahuli ay bangkay na.

May isá pang bangkáy na kuilang napulot sa landás, ang bangkay ng isang binatang “estudianteng” panauhin ni Ruben, nagngangalang Angel Soliman, tubù rin sa bayang iyon, at kasalukuyang nag-aaral ng “farmacia” (karunung̃an sa paggawâ ng̃ gamot sa Maynilà.) Ang binatang itó ay isá sa mg̃a habol, at siya ang tinamaan sa ulo ng̃ punglô ni Bagyó, ng itó ay [ 8 ]bumaril sa karamihan.

Ang nasabing dalawang bangkay ay ipinadalá sa Presidencia ng̃ Tagapamayapang Hukom, at ginawâ ang lahat na kailang̃ang kasulatan, sakâ kinunan ng̃ kani-kaniyang salaysay ang lahat na panauhing na sa bahay ni Kapitang Luis, noong mangyari ang sakunâ. Matapos ang lahat ng̃ ito, ay ipinadala sa Hukom na kaniyang punò, at sapol noon ang Piskal ay siya ng̃ naki-alam.

Sabihin pa kayâ ang lumbay at at tang̃is ng mg̃a magulang at kapatid ng̃ napang̃anyayang binatang Angel Solimán. Subali't walâ ng mangyayari: ang pumanaw na buhay ng̃ binatà ay hindi na maaaring bawiin pa. Sa libing ay dumaló halos ang buong bayan: bukod tanging wala roon ay si Gloria at si Rubén.

Si aling Mercedes na iná ni Gloria ay ginigikban ding gaya ni Oscar, sapagka't siya'y hinihimatáy sa bawát sandalî, dahil sa pagkawalâ ng̃ kaniyang kabutong anák na si Gloria.

—Di kailang̃ang maubos man ang lahat kong yáman,—anang kahambal-hambal na matandâ,—datapuwát ipaghihiganti kong pilit ang kapang̃an-yayang nangyari sa aking anak. [ 9 ]Palibhasa'y di dumating si Ruben sa loob ng̃ magdamag ng̃ ligalig, si kapitang Luis ay nabalisa, at pagkaumaga ay tinawag si Gerardo.

—Gerardo,—aniya,—¿anó ang iyong palagay sa ligalig na nangyari?

—Walâ po akóng malamang isipin,—ang sagot ni Gerardo,—kaya't ako'y aalis ng̃ayón at hahanapin ko si Rubén.

Siya'y madaling nagbihis, at yayaman siya'y may “licenciang” gumamit ng̃ revolver at rifle, ay kaniyang dinalá ang nasabing dalawang baril na kaniyang iniing̃atan.

—Hahanapin kong pilit ang aking pinsan.— ang magdarayang pairog niya kay kapitang Luis.

—Gerardo,—ang tugon ng̃ matandâ,—gawin mo sana any lahat mong kaya.

―Asahan na po ninyó ang gayón,—ang amin ni Gerardo.

Siya'y sumakáy sa kabayo at napatung̃o si “real” ng̃ mg̃a tulisan sa Irig. Ng̃ siya'y dumating doon ay nagtatakip silim, at dinatnán na niya sa tapat ng̃ isang kubo si Dimas na may isang kalapating̃ hawak.

[ 10 ]—Dimas,—ani Gerardo,—¿anó ang lagay ni Gloria?

—Siya po'y linalagnat, ang sagot ni Dimas.— Samantalang dalá ko siya habang magdamag sa ibabaw ng̃ kabayo, ay hindi mamakasampong hinimatay.

—¿Hindi ba kayo naghiwalay ni Tiktik?

—Hindi po.

—¿Hindî ba naman nasaktán si Gloria sa pagdadala mo?

—Hindi po, at siya ko ng̃ang pinaka-ing̃at- ing̃atan.

—At ng̃ayon, ¿ay sino ang nagbabantay sa kaniya?

—Si Juana po, si Tiktik at si Buhawi.

—¿Sinong Juana?

—Si Juana pong asawa ko.

—¿Siya ba'y bihis lalaki ring gaya ng̃ dati?

—Opò.

—¿Saan silá naroon ng̃ayón?

—Naroon po sa bahay, dian sa malapit na pulô.

—¿At si Ruben?

—Gaya po ng̃ inyóng bilin, siya'y ibinikakà [ 11 ]ko sa isang punò ng̃ kahoy, at sa kabilâ nitó ay kinabitán ko ng̃ “grilleteng” gapos sa magkábilang paa, at siya'y binábantayán nila Bagyó, Simarón, Pugot at Kidlat. Si Kulog po ay namatay.

—¿Hindi kayâ makapagtahanan si Ruben?

—Hinding hindi po.

—Umuwi ka sa bayan ng̃ayong gabi, at sunduin mo si Quintina, sapagka't siya'y aking kailang̃an.

—Opo.

—Isama mo si Simarón, si Pugot at si Bagyó. Apat kayó, pati ikaw.

—Opo.

—¿Anó ang tawag sa dakong hilagà ng̃ dulong̃ nayon?

—San Juan po,

—Sa kabila niyan?

—Pinagbitinan po.

—Sa kabila pa niyan?

—Sang̃ang Daan po.

—Oo ng̃a, dian. Dalhin ninyó doon si Quintina at ako'y hintayin ninyó.

—Opò. [ 12 ]—Sakaling may magtanong sa inyó doon, hinggil sa akin, ay sabihin ninyóng ako'y si Doctor Ruben.

—Opò.

—Paroonan mo si Ruben ng̃ayon din, kunin mo ang kaniyang panyô, at saka ka bumalik agad dito.

—Opò.

Si Dimas ay sumakay sa kabayo at nagpatakbô ng̃ matulin. Ng̃ si Gerardo ay napag-isá, ay tinutop ng̃ dalawang kamáy ang kaniyang noo, saka nagnilay- nilay.

—Ang aking utak ay tila waring sinusunog ng̃ infierno; ang pusò ko'y anaki'y kinakagat ng̃ ginawà kong kapaslang̃an.

«¡Kay samâ kong tao!

«Ipinadakip ko ang aking pinsan, ipinaagaw ko si Gloria, dahil sa akin ay namatáy si Kulog at si Angel Solimán, bukas ay papatayin ko pa si Quintina, at pagkatapos ay ipabibitay ko pa si Rubén ...

«¡Kakilakilabot!

«Datapuwát di kailang̃an ang gayón: sa kabilâ [ 13 ]ng̃ lahat ng̃ ito ay ako'y magkakamit ng̃ maraming kayamanan, at mapapasa akin pa si Gloriang mithî ng̃ aking layunin.

Marami ang mg̃a gangganitong balak na nagsasalimbayan sa kaniyang pag iisip.

Lumipas ang isang oras at si Dimas ay dumating, kasama sila Simarón, Pugot, at Bagyó na pawang nagbigay kay Gerardo ng̃ puspos na galang.

Iniabót ni Dimas kay Gerardo ang isang panyong putî at mabang̃ó.

Iniladlad ni Gerardo ang panyô at nakita niyang may tiktik na ganito:

"KAY RUBEN
HADOG NI
GLORIA."

—Itó ng̃à—aniya, saká isinilid sa kaniyang lukbutan.

—¿Anó ang suot na damit ng̃ayon ni Gloria?

—Siya po'y binigyan ni Juana ng̃ isang kabihisang damit, at ang kaniyang suot kagabi ay tiniklop na mabuti at binalot.

[ 14 ]—At ang kaniyang mg̃a hiyas ay saan naroon?

—Inalis din po niya sa katawan, binalot sa isang panyô at itinagò ni Juana.

—¿Pati ng̃ kaniyang botitos?

—Opò, pati botitos.

—Mabuti. Ng̃ayon ay yumaon na kayo, at inyong sunduin si Quintina. ¿Natatandaan mo bang lahat ang aking mg̃a bilin?

—Opo, natatandaan kong lahat.

Anyóng aalis na sila Dimas, ng̃uni't sila'y Ruling tinawag ni Gerardo.

—Marahil ay hindî sasama, sa inyó si Quintina.

—Kung hindi po sasama, ay siya'y aming aagawing gaya ni Gloria.

―Huwag: hindi ko ibig na may ibang ma- kaalam sa kaniyang pag-alis.

—¿At papaano po ang gagawín?

—Kayo'y maghintay, at ako'y susulat sa kaniya.

Si Gerardo ay sumulat ngâ ng̃ ganitó.

«Pinakamamahal kong Quintina.

«Ikaw ay sumama sa taong may taglay nitong aking liham; huwag matakot kahit saan [ 15 ]ka man dalhin, at nalalaman mo na ng̃ang ang taong iyan ay alagad ko.

«Nagagalit sa akin ang amain kong si kapitang Luis, dahil sa ating pagsasama, at dahil din dito ay ako'y ayaw bigyan ng̃ mana. Kayâ ng̃â naman, ako'y bumili ng̃ isang malaking bahay sa Maynila, ganap ng̃ maririkit na kasangkapan, itinátalagá ko sa iyo, at ikaw ay doon ko ilipat, at tuloy bibigyan kita ng̃ limang libong piso, bukod sa limang puong pisong bigay ko sa iyo sa tuwing katapusan ng̃ buan, apang ikaw ay may maipamuhay.

«Sa lahat ng̃ itó ay kailang̃an ang lalong masusing lihim.

«Kayá ng̃a huwag mong ipahalata sa kanino pa man ang yong pagsama sa mg̃a susundô sa iyo.

«Bago ka umalis diyan, ay gumawa ka muna ng̃ isang̃ sulat na may ganitong laman:

«Gerardo: akó'y aalis na. Huwag mo na akong hintayin kailan pa man. Natatalastas kong ako'y hindî mo sinisinta, at dahil sa gayon ay hindi mangyaring lumaon ang kanitang pagsasama.

[ 16 ]

Ako'y luluwas sa Maynila.

«Quintina.

«Kung matapos mo ng gawin ang ganiyang sulat, ay ilulan mo sa isang “sobre” at ipadalá mo sa akin sa bahay ni kapitang Luis, at pagtanggap ko, ay ipababasa ko sa kaniya, upang siya'y maniwalàng tayong dalawá ay naghiwalay. Subali't nalalaman mo na ng̃ang hindi tutoo ang gayón, sapagka,t ikaw ay dadamayan ko at mamahalin magpahanggang sa libing̃an.

«Bilin kong mahigpit na itóng aking liham ay huwag mong iwan, at isauli mo sa akin bukas ng̃ gabing tayo'y magkita, sapagka't di sasalang hihing̃in ko sa iyo.

«Ang iyong irog.
«Gerardo.»

«Julio 8. 190..

Pagkatapos ng̃ sulat na itó, ay tinupi ni Gerardo, inilulan sa isáng “sobre”, sakâ ibinigay kay Dumas.

—Yumaon na kayó, aniya.—Ikaw, Dimas, ay pumasok kang mag-isá sa bayan, at iwan [ 17 ]mo silá Simarón, Pugot at Bagyó sa Sang̃ang Daan.

Silá'y pinagbibigyan ni Gerardo ng tigi-tigisang salaping papel na tigdadalawáng puong piso, bukod ang kay Dimas na limang puong piso.

—Salamat po,—anang mg̃a tulisan.

―Magbubukang liwayway na marahil ang dating ninyó sa gubat na malapit sa Sang̃ang daan. Kayo'y humantong muna doon, at sa hapon, pagtatakip silim, sakâ kayó magtuloy sa bahay na dati nating pinagtatagpuan. Bago sumapit ang ikawalo ng̃ gabi ay ako'y darating doon. Yumaon na kayo.

Ang mga tulisan ay nagsi-alis.

Si Gerardo ay nagsuot sa isang munting landás, sakâ tinugtog ang kanyang basuit. May sumagot na basuit din.

Si Gerardo ay naghintay.

Di nalaonan at humarap sa kaniya si Tiktik.

―¿Nahan si Gloria? ang kaniyang tanong.

—Na sa bahay po at natutulog,-ang tugon ng tulisán.

―Halina't ibig kong makita,—ani Gerardo.

Siláng dalawá'y nagsuot sa isang masukal [ 18 ]na gubat. Sa kabila nito, sa gitnâ ng̃ isang munting kaing̃ing, ay may isang bahay na mababà at kaigihan ng̃ laki. Si Gerardo ay sumilip sa isáng munting butas ng̃ dingding. Sa loob ng̃ bahay ay siya'y may nakitang isáng lalaking satsat ang gupit ng̃ buhok; gayón pa man, ang anaki'y lalakong iyon ay babaying tunay, at dili ibá kungdî si Juanang asawa ni Dimas, bihis lalaki at binabantayán si Gloria.

Si Gloria ay naidlip.

Tiktik,—ani Gerardo sa tulisán,—siyasatin mo ang aking kabayo, busugin at painumin. Pag ng̃atan mo ang pagtatanggal ng̃ siya, sapagkat ang “revolver” at “ripleng” nakakabit dian ay kapwa may laman.

Si Tiktik ay tumupad.

Sa malamlam na liwanag ng̃ isang tinghoy ay napagmasdan ni Gerardo iyong mukhang mithî ng̃ kaniyang mg̃a pang̃arap. Ng̃ayon ay namutlang lubhâ, nanglalam ang mg̃a mata, at umuron ang mg̃a pisng̃i at labi. Sa kahambal hanbal na mukhang iyon ay mistulang nalimbag ang bang̃is ng kamatayan.

Kahit sino pa man ang makamasid kay [ 19 ]Gloria sa kahapis-hapis yang kalagayan, ay sápilitang mahahabag, sápilitang kakayagin ng̃ malaking pamimitagan. Subali't ang damdamin ni Gerardo ay hindi laan sa hábag, walang munting hilig sa pamimitagan, at anaking iniukol lamang sa lupit at sa paglapastang̃an sa lalong kagalang-galang na bagay.

Si Gerardo ay ng̃umitî.

—Ng̃ayon pa lamang,—aniya sa sarili,—ng̃ayon pa lamang mabubusog ang aking nasasabik na nais.