Ang "Filibusterismo" (karugtong ng Noli me tangere)/2
mundo; minsa'y tumatakbong tungo sa mga kakawayanan o kaya'y sa mga karihan, na napapalamutihan ng gumamela at iba pang bulaklak, na waring mga magsisipaligdng nakalubog na sa tubig ang mga paa'y ayaw pang maglublob... minsa'y sa pagsunod sa daang itinuturd ng ilang kawayang nakatirik sa ilog ay lumalakad ng boong kasiyahang loob ang bapor; nguni't ang isang biglang pagkakabagok ay kaunti nang ikinabuwal ng mga sakay; napadumog sa isang burak na mababaw na hindi hinihinala nino man
At kung' ang pagkakawangki sa daong ng Pamahalaan ay hindi pa lubos, ay tingnan ang pagkakalagay ng mga lulan. Sa ilalim ng eubierta ay nangagdungaw ang mga mukhang kayumanggi at maiitim ng mga taga rito, mga insik at mestiso na nagkakasiksikang kasama ng mga lulang kalakal at mga kaban, samantalang sa itaas, sa ibabaw ng eubierta at sa lilim ng isang panambil na nagtatanggol sa kanila sa init ng araw, ay nangakaupo sa maginhawang luklukan ang ilang: sakay na suot taga Europa, mga prayle at mga kawani, na humihitit ng malalaking tabako, samantalang tinatanaw ang. mga dinadaanan, na hindi man napupuna ang mga pagsusumakit ng kapitan na maiwasan ang mga balakid sa ilog.
Ang kapitan ay isang ginoo na may magiliw na anyo? . lubha ng matanda, dating maglalayag na noong kabataan niya ay namahala sa lalong matuling daong at sa lalong malawak na karagatan at ngayong tumanda'y ginagamit ang lalong malaking pag-iisip, pagiingat at pagbabantay upang maiwasan ang maliliit na kapanganiban . . . . At ya6n di'n ang balakid sa araw araw, ang dati ring mabababaw na burak, ang dati ring laki ng bapor na nasasadsad sa mga liko ring, yaon, na wari'y isang matabang babai sa gitna ng siksikan ng tao, kaya't ang mabait na kapitan ay humihinto sa bawa't sandali, umuurong, pinagkakalahati lamang ang tulin, pinagpapalipatlipat sa kaliwa't sa kanan ang limang marinerong may hawak na tikin upang ipanibulos ang likong iti- nuturo ng timon. Waring isang matandang kawal, na matapos mamuno sa mga tao sa isang maligalig na himagsikan, ay naging taga pag-alaga, ng tumanda, ng batang masumpugin, matigas ang ulo at tamad. At si aling Victorina na siyang tanging babaing nakiuposa lipon ng mga europeo ay siyang makapagsasabi kung ang